Love Me Right: Good News
Third Person’s POV.
Matapos mag-post ni Baekhyun sa Instagram account niya ay nalipat kina Mark at Zania ang pamba-bash ng mga tao, pareho rin silang na-suspend sa kani-kanilang trabaho dahil sa issue na kinasasangkutan nila. Wala na silang magawa dahil mas marami pa silang naging basher lalo na’t sikat na model si Zania sa buong mundo.
Samantala, ang kumpanya naman ni Diana ay unti-unti na ring bumabawi sa mga naging loses ng business niya noong kasasagan ng third party issue 2 months ago, bumabalik na rin ang mga investors na dati ay umatras. Ngunit hindi bumalik ang mga umalis na models kaya nagsisikap siya na makahanap ulit ng bago. Maayos na rin ang pagsasama nila ni Baekhyun dahil hindi na nila kailangan pang magtago mula sa mga tao.
Magkasama ngayon sina Shane at Kai sa SHINE Bake and Pastry at pinag-uusapan ang tungkol sa dinner na magaganap mamaya sa bahay nila Shane.
“Mamayang gabi na ba talaga?” paniniguro ni Kai.
Bahagya namang tumawa si Shane bago tumango sa kausap, “Kinakabahan ka ba?” natatawa niyang wika.
“Of course not!”
Shane chuckled, “Dumating kasi kahapon sina Vince at Daddy, then nabanggit na rin kita kaya gusto ka nilang papuntahin sa dinner mamaya. Actually kinakabahan din ako, pero isang bagsakan lang naman dahil buo kami sa hapag mamaya.”
“Strict ba si Tito?”
“Nope. Mabait si Daddy, huwag mo lang talagang gagalitin.” napalunok si Kai at ipinaglapat ang mga labi. “Just be yourself, Kai. Doon ka nila magugustuhan,” nakangiting wika ni Shane kaya marahan ding napangiti si Kai at bahagyang gumaan ang loob.
“Okay, I will.”
Kinagabihan ay pinuntahan ni Shane ang lugar kung saan siya palaging sinusundo ni Kai sa tuwing may date silang dalawa. Si Shane ay nakasuot ng peach color casual dress with her flat shoes. While Kai is wearing a chamoisee brown chino pants with light taupe brown short sleeve shirt, classic sneakers and specs.
“Wow, where’s Kai?” pabirong wika ni Shane pagkapasok niya sa kotse ng kasintahan.
“He looks so fine.” Shane said in her mind.
Kai chuckled and shrugged, “Iniwan ko na muna sa bahay. Si Jongin na muna ‘yong kasama mo.”
Natawa na lang si Shane, “Tara na, naghihintay na sila roon.” tinanguan na lang siya ni Kai at saka ito nag-drive patungo sa bahay nila Shane.
Pagkahinto ng kotse ay sabay silang lumabas ngunit saglit munang huminto sa tapat ng bukas na gate.
“Nervous?” tanong ni Shane.
“Slight,” Kai answered with a nervous smile. Naglahad ng kamay si Shane na agad namang tinanggap ni Kai.
“Same here, pero sigurado akong magiging maayos ang gabing ‘to.” ngumiti na lang sila sa isa’t-isa bago tuluyang naglakad papasok sa loob ng bahay. Dumiretso sila sa dining area kung saan nakahanda na ang mga pagkain sa hapag at tanging sila na lamang ang hinihintay.
“Oh! Mom, Dad! Nandito na sila ate!” sigaw ni Vince nang makasalubong niya si Shane ngunit agad din itong natigilan nang makita ang kasama ng ate niya. “Wha—” nanlalaki ang mga mata niyang nagpapalipat-lipat sa dalawa kaya napataas ng isang kilay si Shane dahil sa pagtataka. “Kai from EXODUS!” excited na wika ni Vince.
“Uh…yeah,” tugon ni Kai.
“Yah! Lodi ko pala yung jowa mo, ‘te?! Bakit hindi mo sinabi?!” baling niya kay Shane.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Fiksi RemajaA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
