•Chapter 12•

16 2 0
                                        

Love Me Right: Detention Room ft. Handcuff

Kate's POV.

Lumipas ang mga araw at nagpatuloy lang kami sa pagbibigay ng prank ni Chanyeol sa isa't-isa, nakaka-frustrate lang dahil napaka-competitive niya.

Nag-iimpake ngayon sina Nanay at Tatay dahil pupunta sila ng Japan para bisitahin si Kuya. Sa tingin ko mag-stay sila roon hanggang sa graduation niya, magtatapos na kasi siya sa College this year. His name's Rovie James, it was supposed to be "Rovic James" pero napagkamalang e yung c ni Kuya dahil doon sa sulat kamay no'ng nag-register. Pangit kasi iyong sulat ng nurse pero dahil doon ay naging mas maganda naman ang name ni Kuya.

Madaling araw aalis sina Nanay at Tatay kaya hindi ko sila magagawang ihatid sa airport, may pasok din ako kaya gabi pa lang ay nagpaalam na sila sa akin.

Pagpasok namin ng Alvantin ay nilanghap ko ang sariwang hangin ng umaga. Nakakagaan ng pakiramdam dahil panibagong umaga na naman. H'wag ko lang makikita ang Chanyeol na 'yon. Hmmp!

For the first time, payapa naman kaming nakapunta ng classroom. Napakunot ang noo ko nang makitang may fake red rose sa ibabaw ng desk ko.

"Oh? Meron na naman?" Gulat na wika ni Shane nang mapansin din 'to. Agad ko 'yong kinuha at tinignan.

Last week pa ko nakakatanggap ng pulang rosas, hindi ko alam kung kanino galing pero alam ko na nandito lang 'yon sa klase namin.

"Kanino ba 'to galing?" Nagtatakang tanong ko habang nakatitig pa rin sa bulaklak, humarap naman sa amin si Irene at saka nagsalita. Wala pa si Wendy, siguro late 'yong papasok ngayon dahil medyo malayo ang bahay nila.

"Nadaratnan ko rin 'yan na nandiyan na kaya hindi ko nakikita kung sino ang naglalagay. Pero pusta ko na 'yong naglalagay niyan ay 'yong pinaka-maagang pumapasok sa klase natin."

"Kilala mo ba kung sino?" Muling tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.

"Wala kasing specific kung sino ang pinaka-maagang pumapasok dito." Muling sagot ni Irene. Napabuntong hininga naman ako at naglakad papunta sa locker ko para ilagay doon ang bulaklak. Ilang fake roses na ang nandito dahil naipon na. Ayokong iuwi dahil hindi ko naman alam kung kanino 'to galing, baka mamaya may hidden camera rito. Charot!

Pagkasarado ko ng locker ko ay bumalik na ko sa upuan ko at ibinaba ang bag ko bago umupo. Luminga ako sa paligid para hulihin ang nakatingin dahil para sa'kin, 'yon ang salarin na naglalagay ng rose sa desk ko.

Sa paglilibot ng mata ko ay dumapo ang mata ko kay Tyrell na nakatitig sa akin, bahagya muna siyang ngumiti bago umiwas ng tingin sa akin. Napakunot ang noo ko at nag-isip ng probability na siya ang naglalagay no'n.

"Ba't kaya walang prank 'yong Chanyeol na 'yon sa'yo?" Dinig kong tanong ni Shane kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.

I shrugged. "Baka naubusan na HAHA! Okay lang 'yon, atleast ako na-set up ko 'yong prank ko, hihi!"

Gabi ako nagpahuli ng tatlong ipis kay Kuya Dani, pagkatapos ay inilagay ko 'yon sa locker ni Chanyeol kahapon. Hihi! I can't wait for his reaction.

Napadako naman ang mga mata ko sa pinto ng classroom nang bumukas 'yon at iniluwa si Wendy na humahangos pagpasok sa loob. Diretso siyang nakatingin sa akin bago nagmamadaling lumapit.

"Kate!" Itinaas ko ang dalawang kilay ko upang magtanong. Napahawak siya sa desk ni Irene habang hinahabol ang hininga. Tumakbo ba 'to? "Ipinapatawag ka ni Ms. Vann...sa Guidance Office." Pagpapatuloy niya habang humahangos.

"Bakit?" Kunot-noong tanong ko.

"H'wag ka na magtanong, pumunta ka na lang." Wika ni Shane.

"Baka nakita na 'yong mga kalokohan niyo ni Chanyeol?" Komento naman ni Diana. Nagkibit balikat naman ako bago tumayo.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon