•Chapter 30•

15 3 15
                                        

Love Me Right: Face-off

Kate's POV.

It was already December 24, time really flies so fast. Ilang araw na lang at bagong taon na naman.

I was just roaming around the place here in Japan when someone approached me. By the way, this is my first time here since si Kuya lang naman ang nag-aaral dito at siya ang madalas na umuwi ng Pilipinas upang magbakasyon. Ngayon lang naisipan nila Nanay na magbakasyon kami rito dahil hindi sila makauwi sa Pinas.

“Mag-isa ka lang?” he asked. A familiar scent pass through my nose so I move closely to him to smell it more.

I really love his scent, nate-tempt tuloy akong yakapin ang lalaki na 'to!

I nodded, “May gamit naman akong google map.”

“Kahit na, hindi ka dapat naggagala na mag-isa.”

“Eh si Shane kasi ayaw akong samahan! Gusto niya rin daw maggala mag-isa.” nakangusong wika ko at bahagya naman siyang natawa. “Anyway, hindi ba dapat nasa Korea ka? Bakit nandito ka sa Japan?”

Nagtaas siya ng isang kilay at pumamulsa, “Bakit? Hindi ba pwedeng mag-travel sa iba during Christmas Season?”

“Wala naman akong sinasabing gano'n! Ang sabi mo kasi noong pumunta tayo ng Mall sa Korea ka magpa-pasko, tapos ngayon magpapakita ka— teka nga! Sinundan mo ko rito, 'no?” pang-aakusa ko at marahan naman siyang natawa at saka napangisi.

“What do you think, hmm?” bahagya siyang yumukod dahil nga mas matangkad siya sa akin, napaiwas ako ng tingin at napatikhim.

“Wala ka bang kasama?” sa halip ay tanong ko at muling tumingin sa kaniya.

“Meron, kaso humiwalay ako nang makita kita.”

“Tss! Pinagsabihan mo ko na dapat may kasama kapag gagala pero humiwalay ka sa kanila. Iba ka rin e, 'no?”

“Siyempre sabi ko sa kanila sasamahan kita, ayaw mo ba? Babalik na lang ako—"

“Teka! Teka lang naman,” pag-aawat ko habang nakahawak sa matipuno niyang braso nang akma siyang aalis. Kahit na may suot siyang makapal na jacket ay dama ko pa rin ang matitigas niyang muscles. “Wala naman akong sinabing ayaw ko e…” nakangusong wika ko.

Bahagya naman siyang tumawa at marahang ginulo ang buhok ko bago ako inakbayan.

“Siguro naman walang taga-Alvantin dito?” wika niya.

“Hindi mo sure, 'no!”

He just chuckled and dragged me to somewhere. Nagpadala na lang ako since mukhang alam niya ang mga lugar dito.

“Madalas ka ba magpunta ng Japan?” tanong ko habang naglalakad kami, naka-akbay pa rin siya sa'kin.

“Hindi naman, pero ilang beses na rin ako nakapunta rito.”

“Ahh, I see. Saan ba tayo pupunta?”

“Sa Sakurayama Park, maraming cherry blossoms doon.”

Bili muna tayong pagkain, nagugutom na rin kasi ako.” tumango lang siya bago ako dinala sa bilihan ng street foods.

“What do you want?” tanong niya. Tinignan ko isa-isa ang mga tindang nandoon at bigla naman akong natakam base sa iba't-ibang itsura at amoy nito.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon