Love Me Right: The Past
Third Person’s POV.
Exodus are currently in the same hotel with the trio, namely, Kate, Shane, and Diana. Kararating lang ng tatlo galing Pilipinas upang magbakasyon ng isang linggo sa South Korea, habang ang Exodus ay ngayong gabi lamang mananatili sa hotel na ito upang magpahinga bago tuluyang bumalik sa dorm nila bukas.
Samantala, lumabas naman ang tatlong miyembro ng Exodus na sina Chen, Xiumin, at Sehun upang maghanap ng masarap na kakainan. Ayun nga lamang at nagtalo-talo pa sila sa harap ng pinto ng kuwarto nila tungkol sa gustong kainan ng bawat isa pagkabalik nila sa hotel. Habang ang iba naman ay may sari-sariling mundo sa loob.
“Huy! Magsipasok nga kayo rito’t diyan pa kayo sa labas nagtalo-talo!” saway sa kanila ng leader na si Suho kaya agad nila itong sinunod habang nagkakamot sa ulo. “Ano bang pinagtatalunan ninyo?” tanong nito sa kanila matapos na isarado ang pinto.
“Nagtatalo kami sa kakainan natin.” tugon ni Chen.
“Hyung, ayaw kasi nila roon sa Samgyeopsal!” reklamo ni Sehun kaya napailing na lang si Suho.
“Oh sige. Para walang away, roon tayo ngayon kakain sa Samgyeopsal.” agad na desisyon ng leader kahit na hindi pa tinatanong ang gusto ng dalawa. Kahit kailan talaga, walang mananalo sa maknae nila. “Yixing!” agad na lumapit ang tinawag niya at saka nagtanong kung bakit. “Baka naman pwede kang magpa-reserve ng table roon sa Samgyeopsal para sa’tin?”
Mabilis na tumango si Lay bilang tugon, “Mag-order na rin ba ko ng foods?”
“Hmm. Better, tawagan mo na lang ako para makasunod kami roon.”
“Okay!”
“Thanks, Bro!” tugon ni Suho at saka tinapik si Lay sa balikat.
Mabilis namang naglakad si Lay patungo sa pinto at marahan itong binuksan, ngunit sa pagtataka niya ay may tatlong babae na dumaan at nagmamadali. Saglit niya munang pinagmasdan ang mga ito bago niya tuluyang isinarado ang pinto. Chineck niya rin ang wallet niya kung nasa bulsa niya ba ito dahil mahirap magpa-reserve na walang dalang pera.
Nang ma-check niya ito sa bulsa niya ay naglakad na rin siya patungo sa elevator na ngayon ay pasara na. Tumakbo siya upang ito’y maabutan at agad niya naman itong napigilan kaya siya nakapasok sa loob. Nginitian niya ang tatlong babaeng naka-black shades bilang pagbati bago niya pinindot ang button sa elevator.
“Baka mga turista,” sabi niya sa isip niya habang pinagmamasdan ang pagbaba ng bilang ng floor sa gilid ng pintuan ng elevator.
Nang makababa na sila sa first floor ay nagmamadali ang tatlo na pumunta sa front desk, ngunit hindi na iyon pinansin pa ni Lay at pumara na lang agad ng taxi. Hindi niya kasi pwedeng gamitin ang isang van dahil doon sasakay ang co-members niya mamaya.
Pagkarating niya sa kainan na ‘yon ay nagpa-reserve na siya agad, doon sila pupuwesto sa taas dahil puno na ang nasa ibabang puwesto. Nag-order na rin siya ng foods at pagkatapos ay tinawagan si Suho upang papuntahin na rin sila sa kinaroroonan niya.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago nagsidatingan ang mga co-members ni Lay, maliban kay Chanyeol na nagpahuli dahil natutulog siya nang magdesisyon silang kumain kanina. Sinabihan naman siya kaya susunod din siya rito.
“Suho hyung, kumusta na nga pala yung eomma mo? Hindi niya na ba talaga gustong pumunta sa Pilipinas?” tanong ni Chen. Hindi pa nila pinapahatid ang pagkain dahil hinihintay pa nila si Chanyeol na dumating.
“She’s fine, kasama niya si halmeoni sa bahay namin dito sa Seoul. At saka ayaw niyang bumalik sa Pilipinas dahil nga sa nangyari noon sa kanila ni Appa.”

BINABASA MO ANG
Love Me Right
Novela JuvenilA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...