Love Me Right: Vacation
Shane’s POV.
After naming ihatid si Kate sa airport ay bumalik din kami agad sa hotel, medyo maaga pa rin kasi at saka hindi pa kami nag-aalmusal. Sure naman kami na roon na mag-aalmusal si Kate sa loob ng eroplano.
Napagpasyahan na rin naming maligo para mabilis na lang ang kilos mamaya upang gumala, sayang nga lang at napauwi nang maaga ang isa naming kasama dahil nagkaroon ng urgent meeting. Tatapusin lang din naman namin ang one week dito tapos babalik na rin kami sa Pilipinas.
After naming kainin ang pinadala naming almusal ay lumabas na rin kami ng kuwarto at dumiretso sa elevator upang muling gumala.
Inuna namin ang iba’t-ibang sikat na mga kainan dito, kaunti lang naman ang mga tinitikman namin para hindi agad mabusog bago lumipat sa iba. Pero sa totoo lang, mahirap maglibot dahil hindi maitatanggi na nasa paligid lang ang mga tao na pilit naming iniiwasan.
“Teh, bakit ba rito mo kami naisipang ayaing magbakasyon gayong alam mo namang posible nating makita ang Exodus?” kasalukuyan kaming naglalakad ngayon patungo sa kabilang kainan, ilang hakbang din kasi ang pagitan.
Huminga naman siya ng malalim bago sinagot ang tanong ko, “Isa ito sa pangarap kong puntahan dati pa, kaya kahit na may iniiwasan tayong mga tao ay isinawalang bahala ko muna.”
“Dapat pala sa North Korea na lang tayo gumala,” pabiro kong sabi na ikinatawa niya.
“Wala namang masama kung sa North Korea tayo pumunta as a tourist, pero bali-balita kasi na mahigpit sila roon, ‘di ba?”
“Kung sabagay, hayaan mo na. Nag-enjoy din naman tayo rito kahit na paminsan ay nakakasalamuha or nakikita natin sila.”
“Mukhang maliit talaga ang mundong ginagalawan natin dahil kahit anong iwas natin, nandiyan pa rin sila sa paligid.” napailing na lang ako at bumuntong hininga.
Pagkarating namin doon sa kabilang kainan ay pumasok na rin kami at tinikman ang ilang sikat na pagkain sa kanila.
Nang matapos ang isang linggo naming bakasyon ay bumili na rin kami ng ticket pauwi sa Pilipinas. Hindi ko kasi pwedeng pabayaan ang business ko roon, ang business naman nila Mommy ay ipapamana na lang kay Vince dahil nakapagpatayo naman ako ng sarili kong negosyo. Sa Pilipinas na rin nanatili si Mommy, habang si Vince ay sa ibang bansa naman nag-aaral ng college at kasama niya roon si Daddy.
Maaga kaming nag-ayos ng gamit ni Diana at maaga ring naligo upang hindi kami ma-late sa flight. Di bale nang maiwanan ng taong hindi ka naman mahal, huwag lang ng eroplanong binayaran ng mahal.
Charr!
After naming mag-check out sa hotel ay nagpara na rin kami ng taxi papunta sa Incheon International Airport.
“Busy ka na ulit niyan pagkauwi?” muling tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa waiting area rito sa loob ng airport.
“Gano’n na nga ‘yon mismo, I’m sure marami na naman akong naghihintay na gawain doon.”
“Ang busy mo namang tao! Ako nga chill-chill lang sa shop, masaya rin doon.”
“Eh kasi sa company marami akong iniikot na departments, at saka iba naman kasi yung shop mo kaysa sa amin ni Kate.”
“Ayy oo nga pala, pero minsan naman nagiging busy rin ako dahil sa maraming umo-order nationwide.”
“Dapat nililibre mo kami ng cake eh!”
“Teh, wala namang okasyon! Bakit kita padadalhan ng cake?”
“Aba’y ang kuripot!” natatawang wika niya kaya marahan din akong natawa.

BINABASA MO ANG
Love Me Right
JugendliteraturA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...