•Chapter 42•

12 3 15
                                        

Love Me Right: Proposal

Diana’s POV.

Pagkarating ko sa bahay ay si Tita Emmana ang sumalubong sa akin, may pasok si Georgina kaya ang tatlong kasambahay lang namin ang kasama niya rito. Nandito rin pala ang dalawa naming driver, so bale lima ang kasama ni Tita rito. Si Papa ay malamang na nandoon sa company upang mag-check, siya kasi ang pansamantalang bumibisita sa departments habang wala ako. Hindi ko pa siya naime-message dahil nakatabi pa ang cellphone ko sa bag.

“Oh, Diana! Bakit hindi ka man lang nagsabi na ngayong oras na pala ang dating mo?” bungad niya sa akin at ngumiti lang ako.

“Hindi ko na po kayo inabala dahil may sinakyan din naman po akong taxi, kasama ko rin po si Shane.”

“Eh si Kate?”

“Ayy napaaga po ang uwi no’n dahil sa urgent meeting.”

“Ayy gano’n ba? Oh siya, akin na iyang maleta mo’t ako na ang magbubuhat paakyat.”

“Thank you po,” ang tanging nasabi ko bago sumunod sa kaniya paakyat ng kuwarto ko. Ipinagawa na lang namin ang bahay na iniwan ni Lola Maida, sariling lupa na rin naman namin ‘to kaya hindi na kami nag-abala pang bumili ng bagong lupa. Pinaayos ko rin ang bahay namin sa probinsya dahil nagbabakasyon din naman kami roon.

“Sabihan mo na lang ang Papa mo na nakauwi ka na, ah? Baka kasi mamaya mag-overtime ‘yon e.” wika ni Tita pagkapasok ko ng kuwarto.

Ngumiti ako, “Sige po, Tita.” tugon ko at ngumiti lang din siya, isinarado ko na rin ang pinto at saka naupo sa dulo ng kama ko.

Kinuha ko naman ang cellphone ko mula sa dala kong designer hobo bag at saka in-enter ang password bago dumiretso sa messaging app. Doon ay hinanap ko ang number ni Papa upang ipaalam na nakauwi na ko, pagkatapos ay hinanap ko naman ang number ni Kate upang ipaalam ang sinabi sa akin ni Shane kanina tungkol kay Kai.

Una, that mysterious guy na muntik nang makabungguan ni Kate, tapos ito namang kay Shane, nakasalubong niya sa airport si Kai.

Hays! Unti-unti na ba silang bumabalik?

Napahilamos ako sa mukha ko at marahas na napabuga ng hangin.

Sa sampung taon na lumipas, ni hindi ko na inisip na magkikita pa ulit kami ni Baekhyun. At matagal ko na ring tinanggap na maybe, we’re not meant for each other. Baka kasi kapag nagkita ulit kami, masaya na siya sa nabuo niyang sariling pamilya.

Mapait akong napangiti at napailing.

“Don’t think about it, you’re fine now.”

I sighed.

Mabilis ko na ring inayos ang mga laman ng maleta ko at saka nagbihis, iidlip din ako dahil sa jetlag. Hindi ko kayang hindi matulog matapos ng ilang oras na biyahe, nakakapagod kasing matulog nang nakaupo.

Kinagabihan ay nagising ako sa pagtawag sa akin ni Tita mula sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Pupungas-pungas naman akong lumingon doon at saka kinusot ang mata matapos kong sumagot.

“Nandito na ang Papa mo at saka kakain na rin tayo!”

“Sige po, susunod ako, Tita.”

“Sige,”

Muli akong pumikit at saka humarap sa kabilang side dahil tinatamad pa kong tumayo. Mga ilang minuto rin ang pinalipas ko bago tuluyang tumayo at naghilamos.

Pagkababa ko ay dumiretso na ko agad sa dining area dahil may naririnig akong nagku-kuwentuhan doon, sila Papa.

“Hi, Pa!” bungad ko na dahilan ng sabay nilang paglingon sa akin.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon