•Chapter 28•

11 3 14
                                        

Love Me Right: Trip to Japan

Shane's POV.

Halos mag-alas otso na rin akong nagising kahit na alanganing oras na rin akong natulog kagabi. Uminom muna ako ng kape bago nagbihis upang mag-jogging sa labas. Nagpaalam muna ako kay Ate Se bago ako tuluyang lumabas ng bahay, nag-play din ako ng song sa phone ko at saka isinuot ang earphones. Pagkatapos ay uminom muna ako ng maraming tubig bago nagsimulang tumakbo.

Nang makaikot na ko ay huminto muna ako sa mini park namin dito upang tumambay at panoorin ang mga cute na asong iginagala ng kanilang mga amo. Busy lang ako sa pakikinig ng music sa phone ko habang nakaupo sa isang bench, nang may biglang lumapit sa akin kaya agad ko siyang nilingon.

“Hi.” bati ni Suho habang hawak niya ang lace ng alagang aso. Gulat naman akong luminga dahil hindi ko siya napansin kanina.

“Dito ka nakatira?” nagtatakang wika ko. Marahan naman siyang tumawa at umupo sa tabi ko.

“Not me, but my mother. Pinuntahan ko siya, pati na rin 'tong si Byul dahil siya ang nag-aalaga rito. I'm gonna stay here sa buong Christmas vacation.” tinignan ko ang aso niya at napangiti dahil behave lang itong nakaupo sa harap niya.

“Ang cute ng aso mo. Byul, tama?”

“Hmm. Kay Eomma siya nag-stay dahil hindi rin naman siya natitignan doon sa bahay ni Appa kung saan ako tumutuloy, sa dorm kasi ako nag-stay kapag weekdays then weekends hindi ako gaanong nag-stay doon.”

“Nasabi sa amin ni Irene na magkaibigan daw kayong dalawa?” tumango siya. “And…nakuwento niya rin sa amin 'yong about sa family niyo kung saan ang pinagmulan ng away niyo ni…Rocco.” napakagat ako ng ibabang labi dahil hindi ko alam kung magandang topic ba ang binuksan ko. “Erm…sorry kung na-open ko, hehe.”

“No, it's okay. May tiwala siya sa inyo kaya niya naikuwento 'yon. And…may tiwala rin naman ako sa inyo kaya okay lang sa akin.”

“May…ibang asawa rin ba 'yong Eomma mo?”

“Wala, ang kasama niya lang is 'yong maid na hinired niya at saka 'tong si Byul. Luckily, maayos naman ang buhay niya rito. Mas gusto ko pa nga sa bahay niya kaysa sa bahay ni Appa.”

“Saang banda ba 'yong bahay niya rito?” lumingon siya sa kaliwang bahagi niya at saka tumuro sa kabilang bahagi ng lugar.

“Ilang kilometro ang layo mula rito.” napatango na lang ako matapos na sundan ang itinuro niya. Ibang daan 'yon kaya pala hindi ko siya napapansin dito kung sakaling pumupunta man siya. “Ikaw ba? Dito ka rin pala nakatira?”

“Ahh. Hindi, nakikitira lang ako kila Kate kasi nasa abroad ang parents ko, 'yong little brother ko naman ay nasa Lola ko sa probinsya.”

Napatango siya sa akin bago nagsalita. “Oh, I see.”

Chineck ko ang time mula sa phone ko at nakitang ilang minuto na lang bago mag-alas diyes ng umaga. Kaninang 8 pa pala ako wala sa bahay kaya napagpasyahan ko nang tumayo.

“Mauna na ko, baka hinahanap na rin ako sa bahay e.” paalam ko sa kaniya.

“Okay. See you around, then.” nakangiti niyang sambit. Tumango ako at ngumiti rin bago kumaway, hinawakan ko rin si Byul bago tuluyang nagsimulang tumakbo palayo.

“Ayy umalis kaninang alas-otso, magjo-jogging daw. Hindi ko alam kung bakit hindi pa dumarating.” dinig kong wika ni Ate Se. Pumunta ako sa may tapat ng pintuan at doon ay nakita ko sina Kate at Ate Se na nag-uusap.

“Ola!” sabay silang napalingon sa akin kaya malawak akong ngumiti.

“Oh. Ayan na pala siya.” wika ni Ate Se kaya tumingin ako kay Kate at nagtanong.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon