Love Me Right: First Date (#JerKai)
Shane's POV.
"Let's have a date on Friday."
"Let's have a date on Friday."
"Let's have a date on Friday."
"Let's have a date on Friday."
Napailing ako nang magpabalik-balik na naman sa utak ko ang sinabi ni Kai kahapon. Friday na bukas at panghapon ang schedule namin sa practice kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin naming 'date'. Ugh!
Kasama ko ngayon ang mga teammate ko sa Volleyball, nakatambay muna kami sa may Cafeteria dahil hinihintay namin ang turn namin na mag-practice sa Gym. Wala ring pagala-gala na students dahil may klase.
Nasa kalagitnaan kami ng pagku-kuwentuhan nang makaramdam ako ng pagka-ihi. Katabi lang naman ng Cafeteria ang CR kaya mabilis lang ako, nasa klase rin ang mga hindi kasali sa sports kaya kampante ako na maraming cubicle ang hindi okupado.
"Guys, iihi lang ako saglit, ah?" Paalam ko sa kanila at tumango lang sila bago muling nagkuwentuhan.
"Bilisan mo lang, ah?" Sabi sa'kin ni Nikki, isang teammate ko. Tumango na lang ako bilang tugon at saka tumayo bago lumabas ng Cafeteria.
Dumiretso ako sa katabi na CR at agad na pumasok sa isang cubicle dahil malapit na talagang pumutok ang pantog ko.
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ko ng cubicle at naghugas ng kamay.
"Girls, get her." Hindi ko na nagawa pang lumingon sa nagsalita dahil nilagyan nila ako ng takip sa ulo bago hinawakan ang magkabilang braso ko.
"T-teka! Sino kayo?! Saan niyo ko dadalhin?!" Wika ko habang nagpupumiglas sa mga nakahawak sa akin. Gusto ko silang tignan ngunit wala akong makita.
"Shut up! Dalhin niyo na 'yan!" Sagot ng nagsalita kanina. Pumipiglas ako sa kanila ngunit sadyang mahigpit ang hawak nila at nakaladkad ako palabas ng CR. Muntik pa nga kong madapa dahil sa ginagawa kong pagpupumiglas sa kanila. Pamilyar ang boses pero kailangan kong makasiguro.
"Bitawan niyo ko! Ano ba?! Prank ba 'to?!"
"I said, shut the fvck up! Can't you understand that, bitch?!"
Narinig ko ang pagbukas ng pinto bago kami muling naglakad. Bago nila ako bitawan ay inilagay muna nila ang kamay ko sa likuran ko at saka ito tinalian.
"Ano ba! Sino ba kayo— ah!" Napadaing ako nang bigla nila akong tinulak paupo, nauntog pa ang likod ko sa isang matigas na bagay.
I hissed and endured the pain.
"Kilala mo kung sino kami." Wika ng isang tinig bago niya marahas na tinanggal ang takip sa ulo ko.
"Teenage Dolls..." Bulalas ko at inisa-isa silang tinignan. I knew it!
"Yes, we are." Sagot ni Amber.
"Anong gusto niyo?! Bakit niyo ko dinala rito?!"
Lahat sila ay umupo sa lebel ko habang nakatitig sa akin na tila isang hayop na nabitag para sa hapunan nila mamaya.
"I just want to show you kung bakit niyo kami kailangan katakutan. But it seems like your friend doesn't care about it." Wika ni Amber at saka ngumisi. "And also, let us teach you a lesson for calling us 'ugly'."
"Truth hurts— ah!" Napabaling sa kanan ang mukha ko nang sampalin ako nang malakas ng isa niyang kagrupo.
"That's right, Tiff. She deserved it." Mataman niya kong tinitigan bago mala-demonyong ngumisi sa akin. "But I'm not satisfied yet." Tumayo siya at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Gwen, your turn." Namayani ang kaba sa sistema ko nang magbigay siya ng sign sa isa niyang kasama. Gustuhin ko mang tumakbo ngunit imposible.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...