•Chapter 26•

10 2 1
                                    

Love Me Right: Overused

Diana's POV.

Hays! Hindi mo talaga kailan man maiintindihan ang panahon, kung minsan ay maaraw at kung minsan naman ay maulan. Nahihirapan tuloy akong maglinis ng Library kapag umuulan dahil nagkakaroon ng putik ang puting tiles ng sahig. Doble kuskos din ako sa malawak na lugar, mabuti na nga lang at walang gaanong putik sa second floor. May karton naman na nakalagay sa may entrance ng Library ngunit hindi pa rin sapat dahil sa rami ng estudyanteng pumaparito't pumaparoon. Mabuti na lang at tinutulungan ako ng mga kaibigan ko para mabilis na matapos.

Tuwing Sabado at Linggo naman ay suma-sideline ako sa isang Grocery Store, nakapasok ako roon bilang taga-ayos at taga-lagay ng items sa mga istante. Hindi ganoon kalaki ang sahod dahil dalawang araw lang naman ako pumasok sa isang linggo, pero ayos lang dahil pandagdag din sa kita. Gustuhin ko mang sabihin ang tungkol dito kay Lola ay tiyak kong mag-aalala siya, mangangatwiran siya na malakas pa siya kaya magdo-doble kayod siya at pahihintuin niya ko sa pagta-trabaho.

Nasira nga ang plano ko na pahintuin na siya sa pagtra-trabaho ngayong senior na siya dahil sa mga libro na kailangan kong bayaran. Hindi ko alam kung saan pa ko kukuha ng mga pang-gastos kung sakaling pinahinto ko na siya bago pa man mangyari 'yon, lalo na ngayon na huminto na sa pagpapadala ng pera si Papa dahil sa hindi malamang dahilan. Okay pa naman noong mga nakaraang buwan, pero bigla na lang siyang hindi nagpadala ng pera.

May contact naman ako sa kaniya ngunit hindi niya ko sinasagot, may part sa'kin na nag-aalala na ngunit wala akong magawa kundi ang i-message lang siya. Panganay si Papa at mayroon siyang dalawang kapatid, si Tita Emmana na pangalawang anak ni Lola at si Tito Popoy na bunso nila. Maging sila ay nagtataka na kung bakit huminto sa pagpapadala si Papa, pero sabi nila ay sila na raw ang bahalang umalam ng dahilan. Sasabihan na lang daw nila kami ni Lola kung anong nangyari kay Papa.

Ang kinikita ko sa Grocery Store ay hinahati ko dahil hindi naman pwedeng mapunta iyon lahat sa pagbabayad ko ng mga libro, nagtatabi rin ako ng pang-gastos namin ni Lola sa araw-araw. Hindi naman kasi siya palaging may pera kaya kailangan ng mahuhugutan kung sakaling mangailangan.

Isang linggo bago ang Year End party ay ipinatawag ako ni Ms. Vann para kausapin sa opisina niya. Nakisuyo kasi ako sa kaniya na baka sakaling may makita siyang trabaho na pwede kong pagtrabahuhan sa libre kong mga oras, huwag lang Sabado at Linggo dahil may iba pa kong trabaho no'n.

Mag-isa akong naglakad patungo sa opisina ni Ms. Vann at pagkarating ko roon ay kumatok muna ako bago tuluyang pumasok.

"Good morning po, Ms. Vann." Bungad na bati ko. Malugod naman siyang ngumiti at bumati pabalik.

Sinenyasan niya ko na maupo sa upuan sa harap ng table niya at agad ko naman 'yong sinunod.

"Miss Delgado, aware ka naman sa nalalapit nating event, right?" Panimula niya.

"Opo."

"Alam mo rin naman na everyone is allowed to attend that party, pero hindi siya compulsory?"

"Opo, na-meeting po kami ng adviser namin about sa Year End Party."

"Good. Na-clear niya naman lahat sa inyo?"

"Opo."

"Kaya kita ipinatawag dito kasi may offer ako na job for you, 10K for only 1 day. Iyon ay kung hindi ka sasama sa event."

"Ano pong trabaho?"

"Magiging isa ka sa mga taga-serve ng foods and drinks sa mismong event, then pwede ka rin maging assistant sa program. Hindi kita pinipilit dito ah? Ipinapaalam ko lang sa'yo dahil baka interesado ka, pero kung ayaw mo okay lang din naman."

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon