Love Me Right: Horror House Booth
Shane's POV.
*The day before the family dinner.*
Sabado ng umaga ay sumama kami ni Kate kay Diana rito sa dorm ng Exodus upang makita, curious kasi kami sa itsura.
Habang kumakain ng almusal ang nasabing grupo ay napagpasyahan muna naming mag-kuwentuhang tatlo dahil hindi pa naman nagsisimulang maglinis si Diana.
"Nakakatakot linisin 'yong lugar na alam mong malinis na." komento ni Diana habang inililibot ang paningin sa buong living room kung saan kami nakatambay.
"Oh my gosh! H'wag mo sabihing hindi mo alam na mapanlinlang ang alikabok, sis?" komento ni Kate na agad kong sinang-ayunan.
"Oo nga! 'Yong tipong kapupunas mo pa lang tapos mamaya nandiyan na naman!"
"Ewan ko ba, naiirita lang din ako sa gano'n e. Kaya minsan basa ang pinampupunas ko." tugon ni Diana.
"Pero minsan mas makapit sa basa ang alikabok e,"
"Hay nako! Hayaan niyo na nga 'yang alikabok na 'yan! Kung gusto bumalik, edi bumalik! Jusko." sagot ni Kate sa akin.
"Eh bakit parang sa akin ka nagagalit?" madramang wika ko habang nakahawak sa dibdib.
"Oo nga! Inaano ka ba, Kate? Sumbong kita kay Chanyeol may hinuhugutan ka." wika naman ni Diana.
"Tangik! Sino naman, aber?" depensa ni Kate na ikinatawa lang namin.
"Ito naman HB agad! Parang biro lang e!" naiiling na komento ni Diana. Ngumiwi na lang ang kaibigan namin at napasandal sa mahabang sofa.
"Nasaan kaya 'yong ibang dorm‚ 'no?" tanong ko at nagkibit-balikat lang sila.
"Gusto mo ba makita?" may halong gulat nang lingunin ko si Kai dahil bigla siyang sumulpot. Kasunod niya naman sa likuran si Baekhyun at tinawag nito si Diana.
"Jusko! Kabute ba mga tao rito?!" komento ni Kate habang nakahawak sa dibdib. Bahagya naman akong natawa dahil sa pagkagulat niya.
"Ayan, kape pa! HAHAHA!" sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napatikom din ako ng bibig.
"Tara sa labas, maglilibot tayo." nakangiting wika ni Kai at naglahad ng kamay. Ngumiti rin ako sa kaniya at tinanggap ang kamay niya bago tumayo.
Nilingon ko si Kate, "Labas na muna kami, beshie."
"Sige na! Kahit h'wag na kayong bumalik!" masungit na tugon niya kaya natawa na lang ako.
Naglakad na kami palabas ng dorm nila upang simulan ang paglilibot.
"Sakop pa rin pala 'to ng Alvantin?" tanong ko.
"Hmm. Nabili nila 'yong property na 'to at saka yung ibang dorm. Medyo malayo pa 'yon dito since nasa private property kami." nilingon ko ang paligid at nakita na puro puno at tahimik ang kinaroroonan ng dorm nila. Naglalakad na kami palayo at hindi ko alam kung saan papunta.
"Hindi ba kayo natatakot dito? Ang daming puno tapos kayo lang ang nandito?"
"Nope, masaya naman dito dahil peaceful. Malamig ang hangin kapag gabi, tapos nakakapag-jog pa kami kung gusto namin. Malawak 'tong property e."
"Saan ba tayo papunta?"
"Sa pagtanda." nakangisi niyang wika na ikinasama ng tingin ko sa kaniya.
"Bakit hindi ka pa maging mais." napapairap kong tugon at bahagya naman siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
