•Chapter 33•

16 3 24
                                        

Love Me Right: Wedding Booth

Kate's POV.

"Ikaw, Chanyeol hyung? Kailan mo balak jowain 'yang si Kate?" straightforward na tanong ni Sehun matapos na pagsabihan ng tatlo ang mga nagtsi-tsismisan sa katabi naming table. Iyon naman ang naging dahilan ng sabay na pagkasamid namin ni Chanyeol.

"Oo nga! O baka naman...secretly dating na kayo, ah? Yieee~!" pang-aasar ni Chen kaya binato siya ng tissue ni Chanyeol na ikinatawa naman nito.

"Shut up, Jongdae. Kung ano man ang meron sa'min, sa amin na lang 'yon ni Clandestine." tugon ni Chanyeol.

"Oooohhh!!! ChanDes couple, men!" natutuwang wika ni Baekhyun at nag-apir naman sila ni Chen. Isang pilyong ngisi naman ang gumuhit sa aking labi at saka nagsalita.

"Pagpasensyahan niyo na, ma-private kasi talaga 'tong boyfriend ko." wika ko at mabilis namang nag-react si Chanyeol.

"Yah!" napahagikgik ako ng tawa dahil masarap talaga siyang asarin. Pikon din kaya hinahayaan ko na lang siyang bully-hin ako.

"Nilalaglag ka na ng jowa mo, Yeol! HAHAHAHA!" pang-aasar naman ni Kai na ikinasimangot lalo ni Chanyeol.

"Shut up." nagtawanan na lang kaming lahat dahil sa naging reaksyon na 'yon ni Chanyeol. Totoo ang sinabi kong boyfriend ko na siya pero dinaan ko na lang sa biro. Hindi ko lang alam kung napansin iyon ng mga kasama namin. Simula no'ng date namin sa Japan ay in a relationship na kami pag-uwi rito sa Pilipinas, at hindi pa iyon alam nila Nanay.

Sabado ng umaga ay maaga kaming nag-ayos at nagbihis ni Shane dahil sasama kami kay Diana roon sa dorm ng Exodus. Wala lang, gusto lang kasi naming masilip at malaman ang itsura.

Pagkatapos na kumain ng Exodus ng almusal ay nagsimula na ring maglinis si Diana, may specific areas lang naman na nakalista sa ibinigay ni Baekhyun. Hindi na niya kailangang linisin ang living room dahil palagi naman daw iyong nililinis ni Xiumin.

Lumabas si Shane dahil inaya siya ni Kai na maglibot-libot dito sa property na 'to. Nasa private property ang dorm nila at hindi raw allowed na makapasok ang ibang taga-Alvantin, ayaw daw kasi nila ng gulo kaya nakahiwalay ang kanila. At saka gusto rin daw kasi nila ng peaceful place.

"Zup!" bungad na bati ni Xiumin habang nakangiti sa akin. Umupo siya sa tabi ko at saka inalok ng apple, agad ko naman 'yong tinanggap at nagpasalamat dahil masarap naman ang mansanas. "Iniwan ka ni Shane?"

"Oo, nakita niya lang si Kai nakalimutan na ko." nakanguso kong tugon bago kumagat sa mansanas na hawak ko.

Marahan siyang natawa, "Hayaan mo na, first time niyo naman makapasyal dito. At saka bebe time nila 'yon."

"Sabagay. Fresh ba 'tong mansanas? Ang tamis saka makatas."

"Yup! May taga-deliver kami ng fresh na fruits and vegetables dito, kahit meats meron din."

"Edi hindi kayo nagagawi sa bayan para mamili?"

"Pumupunta rin naman kapag namimili ng stocks ng grocery, si D.O masipag bumili ng stocks at saka si Chen."

"I see, masaya ba tumira sa dorm?"

"Oo naman, lalo naming nakikilala ang isa't-isa then more bonding na rin. Magkakapatid na rin kasi ang turing namin sa isa't-isa."

"Halata nga, sinong roommate mo sa kanila?"

"Si Chen. Tapos sa school si Baekhyun ang madalas naming kasama, pero ngayon si Diana na ang palagi niyang hanap." natatawa niyang sabi kaya natawa na rin ako.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon