•Chapter 17•

10 2 3
                                        

Love Me Right: Sabotage

Diana's POV.

Nakuha ko na 'yong half ng salary ko sa paglilinis ng Library. Inilagay ko 'yon sa safer place sa bahay dahil delikado kapag nakita ng akyat-bahay (kung meron man). Makukuha ko naman ang half no'n kapag naka-15 days ulit ako.

Naka-one week na silang training for sports fest, kahit Sabado ay may training sila at pahinga naman sa Linggo. Last training na nila bukas dahil kinabukasan no'n ay simula na ng sports fest, may parade muna bago magsimula ang event.

Since wala ngayon si Miss Sena ay si Miss Flores lang muna ang nagbabantay sa first at second floor ng Library. Maraming free time ang students dahil wala na ring pumapasok na teacher, focus kasi sila sa pag-aayos para sa nalalapit na event. Pero bawal pa rin magpagala-gala ang mga student sa paligid, ngunit dahil likas na matitigas ang ulo ng mga estudyante, ayun mga nakatambay ngayon sa dead space. At ang iba ay nanonood ng training.

Since morning ang schedule ng practice nila Kate ay wala akong ka-kuwentuhan ngayon sa classroom, kasama kasi sa Glee Club (name of music club) si Wendy. Napagpasyahan ko na tumambay sa Library para malibang, wala rin kasi akong magawa rito sa classroom e.

Dinala ko ang libro na ipinahiram sa akin ni D.O, tapos ko nang basahin pero nakakalimutan kong dalhin para ibalik.

Nagmartsa na ko papunta sa Library, hindi ko rin naman dala ang phone ko at nasa bulsa ko naman ang pera kaya walang mawawala sa bag ko kahit iwanan ko. Pagpasok ko sa loob ay binati ko na muna si Miss Flores bago dumiretso sa isang shelf para mamili ng librong babasahin.

Nang may mapili na ko ay hinawakan ko ang dulo para makuha 'yon, ngunit nagulat ako nang makitang may nakasilip na mukha mula sa kabilang dako. Napahawak ako sa dibdib at mariing napapikit.

"Baekhyun! Bakit ka ba biglang sumusulpot?!" Pabulong na sigaw ko dahil ayokong masita ni Miss Flores.

Marahan lang siyang tumawa at naiwan ang ngiti sa kaniyang labi.

"Bored ka 'no?" Tanong niya.

"Kanina oo, pero ngayon hindi na." Pagkatapos ko siyang sagutin ay naglakad na ko papunta sa napili kong puwesto, malayo sa entrance at malayo rin sa aircon dahil madali akong lamigin. Inilapag ko rito ang librong napili at nasa ilalim naman nito ang librong ipinahiram sa akin ni D.O.

"Pa-table ako ah?" Wika ni Baekhyun matapos na umupo sa harap ko.

"Nakaupo ka na tapos saka ka magpapaalam." Naiiling na tugon ko.

"Hindi ka sumali sa sports?" Umiling ako bilang tugon at nagsimula nang magbasa. "Sayang hindi kita mapapanood sa kahit anong sports."

"Hindi ko rin naman hilig ang sports." Tugon ko. Ipinatong ko ang siko ko sa mesa at pagkatapos ay ipinatong ko ang pisngi ko sa palad ko, mas kumportable akong magbasa kapag gano'n.

Maya-maya ay napakunot ang noo ko at napatigil sa pagbabasa nang maramdamang may nakatingin sa akin.

Dahan-dahan ko namang tinignan si Baekhyun at nakitang nakatingin nga siya sa akin. Ngumiti siya kaya mabilis akong napaiwas at ibinalik ang tingin sa binabasa.

"H'wag mo nga akong titigan." Pagsaway ko sa kaniya. Bahagya naman siyang natawa at umusog paabante sa akin.

"Sorry, I just can't help it." Lihim akong napairap at saka naglipat ng page. "You don't remember me, right?" Kunot ang noo ko nang muli ko siyang lingunin.

"Anong sinasabi mo? Nagkita na rin ba tayo somewhere?" Nagtatakang wika ko.

Tipid lang siyang ngumiti habang nakatitig sa akin. Maya-maya ay tumayo siya para ilapit ang mukha sa'kin, mabilis naman akong nakaiwas at napa-atras sa upuan.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon