Love Me Right: Article
Shane’s POV.
Saturday morning ay nagsabi ako sa mga trabahador ko na hindi muna ako makakasama sa kanila sa pagbabantay ng shop dahil may importante akong lakad. Siyempre, nagpaalam din ako kila Mommy pero hindi ko sinabi kung saan ako pupunta.
I’m wearing my oversized peach tee shirt that was tucked in my white skort, peach color of vans slip on shoes, and rose chloe shoulder bag.
Nag-set na lang kami ng place ni Kai kung saan niya ko susunduin kaya roon ako nagtungo, may double date kasi kami ngayon with Dave and his fiancee. Sa mall na lang daw dahil mas maraming lilibutan doon, next time na lang daw sa amusement park at sa ibang lugar. Walking distance lang naman ang pagsusunduan ni Kai sa akin kaya mabilis ko rin iyong narating.
I was smiling from ear to ear when I finally saw his black BMW M4 car that was approaching towards my direction.
Ibinaba niya ang bintana at saka sumilip habang malawak din ang ngiti sa akin.
“Hey,” bungad kong bati habang nakangiti pa rin.
“Come in,” tumango na lang ako at saka naglakad patungo sa shotgun seat at isinuot ang seatbelt. Ngunit nabigla ako nang bigla akong halikan ni Kai sa pisngi. “A greeting kiss,” tinap niya rin ang kanang pisngi niya, a sign for a kiss.
Marahan na lang akong napangiti at saka inilapit ang mukha sa kaniya para bigyan siya ng kiss sa pisngi, ngunit mabilis niya ring iniharap ang mukha niya kaya sa labi ko siya nahalikan imbes na sa pisngi.
“Hoy!” pigil ang ngiting wika ko matapos na mabilis na nagdampi ang mga labi namin. Marahan lang naman siyang natawa at saka ngumisi.
“I deserve that,” kibit-balikat niyang tugon na ikinailing ko na lang.
“Sa entrance daw nila tayo hihintayin.” wika ko at tumango na lang siya bago pinaandar ang kotse patungo roon sa mall.
Pagka-park niya sa kotse ay bumaba na rin kami agad at hawak-kamay na naglakad patungo sa entrance ng gusali. Doon, nakita namin sina Dave at Celena na nakaupo sa isang bench malapit sa entrance at naghihintay sa amin.
“Hi!” bungad ko sa kanila kaya agad din silang napatayo at binati kami pabalik habang nakangiti.
“Kanina pa kayo?” tanong ni Kai sa kanila at si Celena ang sumagot.
“Nope! Kararating lang namin 10 minutes ago.”
“Oh, I see. Shall we go?” sumang-ayon na lang ang dalawa kay Kai kaya nagpatiuna na kaming maglakad patungo sa entrance kung saan may guards na naghihintay. Kinapkapan ang dalawang lalaki at kami naman ni Celena ay chineck lang ang laman ng bag.
Kai is wearing a beige color of bermuda shorts with white striped polo shirt for top, and partnered with his white slip on shoes.
Celena is wearing a straight jeans with beige color of spaghetti strap sando for top, white rubber shoes, and her white designer side bag.
While Dave is wearing a dark grey cargo pants with black tee shirt for top, and white rubber shoes.
Hindi naman halatang naka-couple shoes sila, ano? Medyo lang.
“Saan muna tayo?” tanong ni Dave.
“Let’s look for furnitures, babe. Baka may magustuhan tayo para sa ipinapatayo nating bahay.” —si Celena.
“That’s great! Magtitingin na rin kami para sa ipapatayo naming bahay ni Shane—ow!” daing ni Kai nang sikuhin ko siya sa tiyan, napahawak pa siya roon habang nagtatakang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Ficção AdolescenteA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
