Love Me Right: Caught In The Act
Kate's POV.
Nang makarating kami sa palengke ay agad din kaming bumili ng sago. Pagkatapos ay napadaan din kami sa isang grocery store para bumili ng mga kailangan ni Shane, naubos na raw kasi ang ilang stock niya para sa bathroom.
"Don't worry, babayaran naman kita pagkauwi." wika niya na agad ko namang tinanguan.
Kumuha na kami ng basket bago tuluyang pumasok sa loob ng store pagkatapos ay nagsimula nang mag-ikot. Kumuha na rin ako ng basket ko dahil baka may makita rin ako na iba ko pang kailangan.
"Kumusta nga pala 'yong kapatid mo?" Tanong ko sa kaniya habang nagtitingin ng products.
"Si Vince?"
"Sino pa bang kapatid mo? Eh siya lang naman." Napapailing kong sabi, nagtatanong pa kasi ng obvious eh.
"Sorry naman! High blood ka kaagad eh." Natatawa niyang tugon. "Ayun, okay naman siya kay Lola. Nakakausap ko naman siya paminsan, nami-miss niya na nga raw sina Mom at Dad eh."
"Bakit ba kasi hindi man lang sila umuwi rito sa Pinas kahit weeks lang silang mag-stay? Makipag-bonding lang sa inyo gano'n?"
She sighed. "Kilala mo naman sila, business is their priority."
"Kapag ba nagkasakit sila maaalagaan ba sila ng business niyo?"
"Marami silang katwiran so..." Nagkibit-balikat muna siya bago itinuloy ang sasabihin. "Maybe? I dunno."
I grabbed the bottle of shampoo dahil paubos na ang stock ko sa room. Kahit ang ibang pangangailangan ko ay kumuha na rin ako. Sa foods naman ay hindi ko na kailangan pang mamili dahil palagi namang may stock sa bahay.
"Hindi man lang ba nila kayo naiisip kahit... minuto?"
She just shrugged her shoulders and grabbed some pack of pads. Maybe malapit na ang kaniyang period.
"I don't think so."
Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpatuloy sa pag-iikot.
"Wait, may straw na ba tayo?" Tanong ni Shane.
"Doon na lang sa Cafeteria, nagtitinda sila ng fruit shakes 'di ba?"
"Oh right, I forgot about that."
I giggled.
"May napansin ka bang stock ng gummy bears?" Muling tanong niya sa kalagitnaan ng pag-iikot namin.
"Huh? Napadaan na tayo sa candies, pero hindi ko napansin eh."
"Tara balik tayo, I've been craving for it these days." Tumango na lang ako bilang tugon bago kami pumihit pabalik sa candies.
Habang naglalakad kami ay lumilinga-linga rin ako para tulungan siyang maghanap, gumagabi na rin kasi. Baka hinahanap na kami nila Nanay.
"Wait, parang may nadaanan ako." Wika niya at bumalik sa pinanggalingan namin kanina at sinundan ko naman siya. "Ayun! Nag-iisa na lang— hoy!" Napakunot ang noo ko nang may isang kamay din ang dumampot sa lagayan ng gummy bears.
"Let go." Diretso nitong sabi kaya napatingin ako sa kaniya.
Si Kai!
"Akin 'to! Ako ang unang nakahawak at nakahanap!"
"Oh. Is that your policy?" Nakangisi nitong sabi.
"Bitiwan mo na kasi at magpaka-gentleman ka." Pagsingit ko.
"Oh! I'm sorry, wala sa vocabulary ko ang 'gentleman'."
"But at least, have some manners. Nasa public place tayo, at nauna rin diyan ang kaibigan ko."
BINABASA MO ANG
Love Me Right
Teen FictionA Trio once said... "Oh no, I hope I don't fall." -Diana "Never akong magkakagusto sa isang taong walang modo!" -Shane "Don't worry, you're not my type." -Kate Kung ang tagalog ng magic ay mahika, anong ginagawa ng tadhana? Mapanindigan kaya nila? *...
