•Chapter 35•

8 2 6
                                    

Love Me Right: Death

Diana‘s POV.

“Kai, mauna na rin muna kami ni Diana sa inyo. Have a nice date!” nakangiting wika ni Baekhyun bago ako inakbayan at naglakad palayo. Ipinulupot ko naman ang braso ko sa baywang niya kaya naaamoy ko ang pabango niya.

Ang sarap ngumudngod sa dibdib niya, kainis!

“Saan tayo pupunta?” tanong ko dahil hindi ko alam kung saan niya ko balak dalhin.

“Sa SOGO— aww!” angil niya habang natatawa nang kurutin ko siya sa tagiliran.

“Seryoso kasi!”

“Sa SOGO nga— ah! HAHAHAHA!” lumayo siya sa akin nang akma ko na naman siyang kukurutin. “Joke lang, baby ko. Doon tayo sa Message Booth para masaya.” muli niya kong inakbayan at saka dinala sa Message Booth, may pa-games din kasi sila.

Bukod sa magbibigay ka ng message sa kanila at babasahin nila habang naka-mic, may pakulo rin sila na bubunot ng papel kung saan nakasulat ang pa-premyo. Siyempre babayaran muna yung games para makalaro at saka bubunot kapag nanalo.

Ibinigay muna ni Baekhyun ang dalawang ticket at saka namili ng games bago ito binayaran. Binigyan naman kami ng tig-limang darts upang pumutok ng tatlong lobo.

“Kapag nanalo ka, ako ang manlilibre. Pero kapag nanalo ako, ikaw naman ang manlilibre.” tumayo ako sa tabi niya bago siya nilingon.

“Game! Ilang rounds?”

“Hmm… 3 rounds!”

“Game! Ikaw muna.”

“Nope, ladies first.” nakangisi niyang tugon. Napangiwi na lang ako at saka nagsimulang bumato ng darts.

Sa unang hagis ko ng dart ko ay nakaputok ako ng isang lobo, ngunit naka-dalawang daplis ako nang maghagis pa ko ng kasunod. Sa pang-apat ay sa pagitan ng dalawang lobo tumama, at ang panghuli kong dart ay nakachamba pa ng isang lobo.

“Nice, 2 balloons!” komento niya at saka bumuwelo.

“May 2 rounds pa, h‘wag ka muna magsaya.”

“Really?” ngumisi siya at saka naghagis ng dart at sapul agad ang isang lobo. Nang maghagis ulit siya ng dart ay dumaplis kaya medyo natuwa ako. Ngunit magkasunod ang naputok niyang lobo nang ihagis niya ang pangatlo at pang-apat na darts. “3 balloons.” malawak ang ngising wika niya.

“Ha! Nakachamba ka lang, ‘no!” komento ko bago muling nanghingi ng limang darts. Pagkatapos ay humarap ako sa kaniya at determinadong nagsalita. “Ipapanalo ko ‘to.”

“Let‘s see…” ipinagkrus niya ang mga braso niya at saka inabangan ang gagawin ko. Humugot naman ako ng isang malalim na hininga bago bumuwelo sa pagtira ng lobo.

Sa unang subok ay wala na naman akong naputok, pero sa dalawang magkasunod ay dalawang lobo rin ang natamaan ko. Sa pang-apat ay wala na naman akong natamaan, kaya naman sa panghuli kong bala ay inayos ko na ang pagbuwelo ko.

“Yes!!!” pagsasaya ko dahil tatlong lobo ang naputok ko. Narinig ko naman siyang bahagyang tumawa bago tinanggap ang limang darts na ibinigay sa kaniya ng nasa booth.

“Nice!” pagpuri niya na ikinangiti ko.

Sa buong round 2 namin ay isang lobo lang ang naputok niya kaya nag-proceed na kami sa round 3. Doon ay mas nag-focus ako sa pagtira kaya naman nanalo ako sa laro naming dalawa.

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon