•Chapter 20•

15 3 11
                                    

Love Me Right: Saved

Diana's POV.

Pagkatapos na maglaro nila Shane ay nagpaalam na rin ako kina Wendy at Irene na pupunta sa game nila Kate na Archery. Sinasama ko sila pero gusto raw nilang manood ng Volleyball boys kaya pinagbigyan ko na. Pagkalabas ko ng Gym ay dumiretso agad ako sa Field dahil doon ginaganap 'yon ngayon, ngunit pagkarating ko roon ay tapos na ang game kaya pinuntahan ko si Kate sa bleacher na kinatatayuan niya.

"Kate!" Wika ko at tumakbo palapit sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin matapos akong lingunin.

"Kumusta ang game? Tapos na?"

"Hmm. Second lang ako ngayon, mayroon pa bukas."

"Ilan score mo?"

"283 shots lang, yung first place nasa 292."

"Wow. Mataas na rin pala e! Congrats!"

"Thanks. Eh yung game ni Shane?"

"Panalo sila."

"Mabuti naman. Nasaan nga pala siya? Ba't hindi mo kasama?"

"Hindi ko nga alam e, sa lawak ng school hindi ko alam kung saang lupalop 'yon nagpunta."

"Eh si Wendy at Irene?"

"Ayun, nanonood ng Volleyball boys. Saan ka na niyan ngayon?"

"Hindi pa ko makakasama sa'yo, hinihintay ako ni coach Gladys e. Kita na lang tayo sa Gym kapag Basketball boys na."

"Okay, sige. Maglilibot na lang muna ako."

"Mag-iingat ka ah? Baka makasalubong mo 'yong Horror Dolls." Bahagya akong natawa bago tumango sa kaniya.

"Sige na, rito na ko."

"Hmm. Sige, h'wag mong kakalimutan 'yong basketball boys ah?"

"Oo. Hintayan na lang, saka hahagilapin ko si Shane." Tango na lang ang isinagot niya sa akin bago ako tumalikod at naglakad palayo sa Field.

Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng gutom kaya nagdesisyon akong dumiretso na lang muna sa Cafeteria para bumili ng makakain. Katabi lang naman iyon ng Field ngunit sa lawak ay mukhang ilang minuto ang aabutin ko bago makarating.

Itinulak ko ang glass door bago tuluyang makapasok sa loob ng Cafeteria. Dumiretso ako sa counter para bumili ng sampung piraso ng siomai at isang mineral water. Bigla kasi akong nag-crave dito nang makita ko sa menu.

Pagkatapos kong makuha ang in-order ko ay naghanap ako ng puwesto dahil hindi naman ganoon karami ang nandito ngayon. Pinili ko ang puwesto sa medyo likod at katabi ng bintana, tanaw mula rito ang mga naglalaro sa Field kaya nanood na ko habang kumakain.

Busy ako sa panonood nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napalingon ako rito, mag-isa lang kasi ako sa table na 'to kaya hindi imposibleng basta na lang may makiupo.

"Miss, makikiupo lang kami ah?" Wika ng isa, iyong tumabi sa akin. Pinagmasdan ko sila at nalaman na tatlo silang nandito. Ang dalawa niyang kasama ay nasa harap namin. Hindi ko sila kilala, hindi rin naman sila iyong member ng Hard Skull dahil kahit papaano ay napagmasdan ko ang mukha ng mga 'yon.

Sa perspective ko, nakakatakot ang mukha ng mga 'to. Mukha silang magbabanta kapag hindi mo ibinigay ang gusto. Mukha silang gangster na mababang uri.

"Hindi ba't ito 'yong isa sa nag-transfer noong October?" Wika naman ng isa, iyong katapat ko. Nagkatinginan muna silang tatlo bago tumingin sa akin. Sa totoo lang, dumadagundong na ang dibdib ko dahil sa kaba at hindi ko alam ang gagawin. Malayo ako sa ibang table na occupied para humingi ng tulong, at kung sakali mang makahingi ako ay may papansin ba?

Love Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon