•Chapter 43•

7 2 3
                                        

Love Me Right: Mr. Park

Kate’s POV.

Almost 2 weeks na rin since nagsimula kaming mag-layout ng new design na request ng VIP Buyer ko na hindi ko malaman kung trip lang ba ko o ano. Promise, ang gaganda ng mga design na ipinadala ko sa kaniya! As in unique pa kay Unique, but the heck! Nag-request na naman ng bago!

Inaasahan ko na final na iyong pinagawa niyang bago dahil naubos na niya ang brain cells ko. Nasa 20’s pa lang ako pero since stress ako sa kaniya, parang nasa 50’s na ko!

“Come in!” wika ko matapos na marinig ang pagkatok sa pinto ng office ko.

“Good morning!” malawak ang ngiting bati ni Laurance sa akin, ginantihan ko naman siya ng isang masiglang ngiti.

“G’morning.”

Iniangat niya ang hawak na dalawang kape na binili niya pa sa Starbucks upang ipakita sa akin, “Coffee?”

Tumango naman ako habang nakangiti, “Thank you.”

“My pleasure, Young Lady.” wika niya matapos na ilagay ang kape ko at saka kumindat kaya natawa ako at inirapan siya.

“Ang corny-corny mo talaga, ano?”

Ngumiti siya at naupo sa upuan sa harap ng table ko, “Diyan ko napapakilig ang mga babae.” huminto naman ako sa ginagawa kong lay-out at ibinaba ang pen sa ibabaw ng table upang inumin ang kape.

“Eh bakit hindi ka nagkaka-jowa kung effective ‘yon sa kanila?” nakangisi ko ring tugon.

“Actually 4 years na rin akong walang jowa e, baka gusto mong mag-apply?” he said while chuckling.

“Pass. Stress pa ko sa buyers ko,”

“Ouch! Rejected agad!” madamdamin niyang wika habang nakahawak pa sa dibdib niya.

“Gagu, drama mo! Pakitawag na nga lang si Ivory para ma-finalize ko na ‘tong design.”

He pouted, “Matapos kitang bilhan ng kape gaganiyanin mo ko?”

Sinamaan ko siya ng tingin, “As if namang gold ang ibinigay mo! Araw-araw mo kong binibilhan nito, remember?

Bilisan mo na’t baka maihampas ko pa sa‘yo ‘tong layout ko!” umamba akong hahampasin siya ngunit natawa lang siya at saka tumayo.

“Ito na nga, tatawagin ko na! Baka sisihin mo pa ko pag nasira ‘yan.” umiling siya at kinuha ang kape niya. “Bilisan ko ba?” pang-aasar niya.

“Isa, Laurance! Babatuhin na kita ng laptop!” inis kong wika at tatawa-tawa lang siyang lumabas ng aking opisina.

Marahas akong napabuga ng hangin nang tuluyan nang sumara ang pinto.

Mga ilang minuto lang naman ang hinintay ko bago dumating ang designer kong si Ivory.

“Ma’am?” dinig kong wika niya matapos na sumilip sa bahagya niyang binuksan na pinto.

“Come in,” sinenyasan ko siyang lumapit kaya ganoon ang ginawa niya matapos na isarado ang pinto. “Kumusta ang design? Mafa-finalize na ba natin? Ngayon na ang final due date.”

“Opo, ma’am. Tinapos ko na po kagabi, pinagsama ko po ‘yong layout ko at ang sinend niyo sa akin na layout.”

“Hmm. Good, may dinagdag pa ko sa ginawa kong layout e. But since natapos mo na, i-disregard na lang natin.

May I see the final layout?”

“Oh, sure, ma’am.” maingat niyang binuklat ang hawak niyang white cartolina since by part ang nakaguhit doon. “Here po.” inilapag niya iyon sa table ko at tinulungan akong hawakan para hindi mag-rolyo.

Love Me RightMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon