Chapter 01

3.2K 88 14
                                    

❝ Sana inihatid kita.

Hindi sana ako nag-iisip ngayon

Kung anong p'wedeng sabihin mo

Sa mga oras na magkasabay tayo

Na naglakakad pauwi sa inyo. ❞

     

Umirap ako sa sinabi niyang 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umirap ako sa sinabi niyang 'yon.

"Mukha ba akong may tiyaga sa gan'yang kakornihan?" tanong ko habang itinuturo ang sarili.

Ngumiti siya. "Oo."

Sarkastiko akong tumawa sa sinabi niya. "Ano ako, gago? Bakit pa ako gagawa ng sulat kung p'wede ko namang sabihin sa isang tao nang deretso?"

Napapailing akong humithit ng usok mula sa sigarilyo. Anong trip niya? Bakit ako ang hihingian niya ng gano'ng pabor? Mukha ba kaming close at mukha ba akong may pakialam sa mga tao sa paligid ko?

"Nagtatanong lang naman kung p'wede. Okay lang naman kung hindi."

Lumingon ako sa kan'ya nang mag-iba ang tono ng boses niya. Gano'n pa rin naman ang ekspresiyon ng mukha niya. Mas humina na lang ang boses. Nagbuga ako ng buntonghininga bago nagsalita.

"Kung gusto mong makabasa ng love letter, sa iba ka humingi. 'Wag sa akin. Wala kang mapapala."

Sa dami namin sa klase, ako talaga ang hihingian niya, huh? Mukha ba akong klase ng tao na ginagawa ang gano'ng katarantaduhan?

"Hindi naman love letter, 'no." Mahina siyang tumawa. "Gusto ko lang na may mabasang kahit na ano. Sulat na . . . sincere. Parang . . . iba kasi ang sincerity ng mga salita kapag sa taong walang pakialam nanggaling. Kaya sorry kung ikaw yung kinukulit ko." Nagbuntonghininga siya. "Pero okay lang. Hindi mo na kailangang isipin. Sinubukan ko lang naman magtanong sa 'yo."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Tahimik at mahaba ang pasensiya niyang naghintay sa akin hanggang sa maubos ko ang ikatlong stick ng sigarilyo. Gusto ko pa sanang magsindi ng panibago kaso dumidilim na at may babaeng naghihintay sa akin. Tumingin ako nang matagal sa kan'ya bago siya lumingon sa akin.

"Hmm?" tanong niya, nakataas ang dalawang kilay, dahil sa pagtitig ko sa kan'ya.

"Wala ka pang balak umuwi?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Hinihintay lang kita." She smiled.

Nagbuntonghininga ako. "Tara na."

Malawak ang ngiti niyang tumango bago umayos ng pagkakatayo. Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep at hinintay ang jeep na sasakyan namin. Ilang minuto pa kaming naghintay. Nagkulay orange na ang kalangitan bago dumating ang sasakyan. Nag-unahan pa ang mga pasahero kaya naman nahirapan kaming makasakay sa loob. Nagkahiwalay kami ni Ramona ng pwesto dahil siksikan sa jeep at nag-uunahan ang mga tao.

Mabuti na lang at mga babae ang nakatabi niya. Hindi na ako mag-iisip pa ng iba.

Sa bawat paglipas ng minuto, unti-unting nababawasan ang mga pasahero sa loob ng jeep. Nagiging komportable na rin ako kaya naman nagagawa ko nang maidlip. Sa dulo pa kasi ang sa amin kaya kung may matitira sa jeep na 'to, isa ako ro'n.

"Tabi tayo!"

Nagising ang diwa ko nang marinig ang cute na boses ni Ramona bago naupo sa tabi ko. Napabuntonghininga ako bago umusog nang kaonti palayo sa kan'ya. Humawak ako sa hawakan sa itaas at ipinatong ang ulo sa braso, saka muling ipinikit ang mga mata.

Pero hindi ako makatulog.

Bahagya kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko siya sa tabi kong tahimik lang na nakaupo habang nakatingin sa daan. Napaka-peaceful ng mukha niya. Ang ganda-ganda rin lalo na ng labi niyang parang pana ni Cupid ang hugis at mamula-mula. Hindi rin nawala sa pansin ko ang nunal niya sa gilid ng kanang labi niya. Bagay ang pampapula na inilagay niya sa pisngi dahil maputi siya. Nakakatuwa rin ang pagkataba ng pisngi niya. Ang sarap pisilin.

Nang bumaba ang tingin ko sa gilid ng leeg niya, napakunot-noo ako.

Bakit . . . may band aid?

"Para po!"

Napadausdos ako sa upuan nang biglang pumreno ang driver, dahilan para magkadikit kami. Nang tuluyang huminto ang jeep, umayos na ako ng upo habang bumababa ang dalawang babae. Tumikhim ako nang lumingon sa akin si Ramona.

"Sana ayos ka lang," natatawa niyang sabi.

Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap nang natutulog.

Hinintay kong pumara siya pero nakarating na kami sa huling babaan--kung saan ako bumababa--nandito pa rin siya, katabi ko.

"Bakit hindi ka pa bumababa?" tanong ko habang nagpa-park nang maayos ang driver sa terminal.

Lumingon siya sa akin. "Bakit ako bababa? Dito ang babaan ko."

Napakunot-noo ako. Totoo nga palang malapit lang siya sa amin. Akala ko naman, sa kabila sila o sa medyo malayo. Hindi ko naman inasahang dito lang din siya bababa sa binababaan ko.

Nang makapag-park na nang maayos ang driver, bumaba na kaming mga natitirang pasahero ng jeep. Nagsimula na akong maglakad habang hawak ang isang strap ng backpack kong nakasukbit sa akin. Nakasunod lang sa akin si Ramona na parang batang hawak ang magkabilang strap ng backpack niya.

Tang ina, si Dora ka ba?

Tumikhim ako bago nagsalita. "Saan ka ba?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Huh?"

"Saan ka nakatira?" pag-ulit ko.

Umawang ang bibig niya nang bahagya. "Ahh!" Ngumiti siya. "Sa kabilang village malapit sa inyo."

Tumango ako bilang tugon. Mas malapit ang bahay niya sa akin kaya naman maiiwan akong mag-isa mamaya. Pero hindi ko naman siguro ito p'wedeng iwanang mag-isang naglalakad kahit nasa loob na siya ng village nila. Gabi na rin, eh.

Teka, ano bang pakialam ko kung anong mangyari sa kan'ya?!

Napailing na lang ako.

"Ahh, sige. Una na ako."

Lumingon ako sa kan'ya. Kumaway siya sa akin nang nakangiti bago pumasok sa loob ng village nila. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas, mag-isa na lang akong naglalakad pauwi sa amin.

Nang makauwi at makarating sa k'warto, bigla kong naalala ang tanong ni Ramona kanina.

"Pwede bang gawaan mo ako ng letter?"

Tang inang 'yan, ako talaga ang tatanungan niya, ah?

Para saan ba ang sulat? Para masabing may nagbigay sa kan'ya ng love letter? Ha!

"Hindi naman love letter, 'no. Gusto ko lang na may mabasang kahit na ano. Sulat na . . . sincere."

Kung hindi love letter, anong gusto niya? Sulat? Gumawa kaya ako ng sulat tapos sabihin ko do'n na nakakairita siya kasi ang kulit niya, saka ibigay sa kan'ya? Magugustuhan niya pa rin ba 'yon? Ha!

"Sulat na magbibigay sa akin ng dahilan para . . . magpatuloy."

Napabuntonghininga ako nang maalala ang isa pang isinagot niya.

Magpatuloy? Saan?

"Sa lahat."

Anong sa lahat?!

Sana pala nagtanong ako kanina bago siya umuwi.

Pero bakit ako magtatanong? Wala akong pakialam. Kahit na ano pang klase ng letter ang gusto niya, wala akong pakialam dahil wala naman akong ibibigay sa kan'ya! Tss!

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon