❝ Para akong apoy kapag nagagalit
Nasasaktan ang lahat ng lumalapit
Kaya gaano man kahirap para sa akin
Inilalayo kita nang pilit. ❞
"Eusebio . . ."
"Caleb Eusebio, wake up . . ."
Paulit-ulit kong naririnig ang pagtawag sa pangalan ko habang tinatapik ako sa braso. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Sobrang sakit ang naramdaman ko oras na igalaw ko ang ulo ko.
Nang mag-angat ko ang ulo, nakita ko si Miss Nimfa--ang PerDev professor namin--na nakatayo sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin.
"The class has been dismissed," sabi nito. Inikot ko ang paningin at nakita si Ramona sa labas, nakatingin sa akin habang kausap si Mark. "Will you please follow me to the office? I'm afraid that you broke a rule from the student's handbook."
Napabuntonghininga ako bago yumuko. Alam ko kung ano ang sinasabi niya na nalabag ko. Wala naman akong pakialam.
Pero ganito pala ang pakiramdam kapag unang beses mong sumuway. Nakakadismaya.
"Yes, ma'am."
Umayos na siya ng tayo at nagsimula nang lumakad palabas ng classroom. Kinuha ko ang bag at isinukbit, saka tumayo at naglakad na rin palabas, sumusunod kay Miss Nimfa.
"Caleb . . ." rinig kong pagtawag ni Ramona sa akin nang madaanan ko siya. "Caleb, I'll wait outside."
Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong sumunod kay Miss Nimfa habang ninanamnam ang sakit ng ulo na dulot ng hangover.
'Tang ina, napakasakit ng ulo ko.
"I hope you don't mind me giving you some discipline. The previous professors also asked me to do this. I know--and I can feel--that you're going through something serious, Caleb, but we cannot tolerate someone who broke one of the most important rules of the school. Para rin sa 'yo ito."
Nagbuntonghininga ako. "Ayos lang ho, wala namang magagalit sa akin kahit na ilang gulo pa ang gawin ko dito."
Huminto siya sa paglalakad bago lumingon sa akin. Nag-angat ako ng tingin at walang takot na tumitig sa kan'ya pabalik.
"Caleb, you can always ask for our help. You can always talk to me if something serious is bothering you. Hindi mo kailangang magrebelde dahil lang pakiramdam mo, walang may pakialam sa 'yo sa bahay n'yo."
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. "Wala ho akong kailangang tulong kahit na kanino. Tara na ho sa disciplinary office, ma'am, nang makakain na kayo ng lunch n'yo."
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...