❝ P'wede ko namang sabihin din sa 'yo
Na 'yon din ang pinakamasayang gabi ko
Dahil kasama kita at ikaw ang una
At huling beses na makikita
Pagkagising ko sa umaga
At sa gabi bago ipikit ang mga mata.
Wala akong kaalam-alam na noong oras na 'yon
Nangangarap na pala ako
Ng habambuhay kasama mo. ❞
Natapos na ang lahat na magbasa ng sulat na ginawa nila. Ako na lang ang hindi tumatayo pa para magbasa dahil wala naman akong babasahin. Wala naman akong naisulat.
"Lastly, Mr. Caleb. Can you read us the letter you wrote?"
Napalunok ako bago nag-angat ng tingin. "I couldn't make one. I . . ." Napabuntonghininga ako kasabay ng pagyuko. "I don't know what to write. I'm sorry."
Ilang segundong tumahimik ang madre bago mahina itong tumawa, dahilan para mapaangat ako ng tingin. "You must be really used to your isolation, Caleb. Don't say sorry. It's okay. One can never really force someone to do something that they never used to do in the past."
Umayos siya ng tayo at naglakad-lakad sa gitna ng bilog nang may malawak na ngiti sa labi. Habang pinanonood siya, nakaramdam ako ng hiya at disappointment sa sarili ko, dahil, kung lahat nga nakagawa ng simpleng sulat lang, sino ako para hindi magawa 'yon?
Pero huli na ang lahat. Tapos na ang journaling activity. Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil biglang dumami 'yung idea ko matapos marinig ang mga binasa nilang sulat, kaso, huli na ang lahat.
"Thank you so much, everyone, for attending this activity. May you all find your inner peace in life. I hope that you'll forgive yourself for all the mistakes that you commit in the past, forgive whoever has done you wrong, accept and love every person for a better experience in this beautiful life. May God bless you all and I will be praying for the best for your individual journey in life. For now, we may all stand up and come to the dining area for our dinner. See you all next time!"
Tumayo ang lahat at nagpalakpakan habang nagpapasalamat bago lumabas ng function hall. Gusto ko na ring lumabas pero nagdadalawang-isip ako.
Gusto ko rin gumawa ng sulat.
"Caleb, tara na," pagtawag ni Ramona sa akin habang nasa pintuan.
"Caleb, do you need anything?"
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...