Chapter 33

1K 44 4
                                    

❝ Sobrang humanga ako sa 'yo

Dahil kahit ilang beses mong naisip sumuko

Naiisip mo pa rin ang sarili mo

Sa makalipas ang ilang taon ngayon.

Gusto ko tuloy kwestyunin--

Ikaw ba talaga ang sumusuko

O ako na wala nang ginagawa

Para pahabain o putulin ang buhay ko? ❞


Pabagsak na binitiwan ng nasa harap kong si Ramona ang questionnaire na para sa sarili niya sa PerDev

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pabagsak na binitiwan ng nasa harap kong si Ramona ang questionnaire na para sa sarili niya sa PerDev.

"Why would I need to do this? Kilala ko na ang sarili ko. Bakit kailangan pa nitong para sa atin?" Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago inayos muli ang sumabog na mga papel sa table. "Nakakainis naman. Ang corny corny nito."

Natatawa akong inilabas ang questionnaire ko na blangko pa rin ngayon. "Wala pa rin sagot ang sa akin. Hindi ko alam kung paano sisimulan."

Napakunot-noo siya. "You are actually very easy to read! Hindi mo nasasagutan? Why? Hindi mo kilala ang sarili mo?"

Tumawa ako sa sinabi niya. "You are very easy to read to, Ms. Castillo. Hindi mo rin kilala ang sarili mo?"

Napanguso siya kasabay ng pagbagsak ng dalawang balikat niya. "Well . . . sagutan ko na nga ang iba. Next month na ang deadline nito."

Matapos n'on, labas sa ilong niyang sinagutan ang mga questionnaire dahil 'yon na lang ang may malaking kulang sa kan'ya. Ako, wala pa ng emotional, social at spiritual area niya. Buti pa siya, masipag.

"Ano pang kulang mo sa akin?" tanong ko.

"Spiritual and emotional," sagot niya habang nagsusulat. "Though I have few answers sa emotional mo. Wala na lang ako n'ong iba."

Napatango ako bago tiningnan ang sarili kong questionnaire. Binasa ko ulit ang mga tanong doon, pati ang mga parte na kailangan kong i-rate sa sarili ko from 1-5, at kung anu-ano pang klase ng tanong na kadalasang makikita sa quiz.

Muli akong napatingin sa parte ng tanong na inaalam kung saan ko nakikita ang sarili ko few years after at kung ano ba ang pangarap ko.

What do you want to achieve in life?

What is your dream job?

Where do you see yourself in five to ten years?

Napailing ako bago pumangalumbaba. Hindi ko alam kung nakakatulong ba itong walang klase ngayong hapon pero hindi naman kami makalabas ng campus dahil ayaw kaming payagan ng guard. Wala rin naman akong maiambag dito sa ginagawa namin ngayon dahil wala akong maisagot sa mga tanong na tungkol sa sarili ko.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon