Chapter 60

877 35 0
                                    

❝Ang dami ko pang gustong sabihin sa 'yo

Ang dami ko pang ikukwento sa pagbabalik mo.

Pero paano pa ba magtatagpo ang landas natin

Kung pati ang pamilya mo, lumisan na rin?❞

     

Kinabukasan, bago ako pumasok sa company para simulan ang work immersion ko, maaga akong umalis ng bahay para dumeretso sa village kung saan nakatira si Ramona

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan, bago ako pumasok sa company para simulan ang work immersion ko, maaga akong umalis ng bahay para dumeretso sa village kung saan nakatira si Ramona. Nagpaalam ako sa guwardiya kung p'wede ba akong pumunta sa bahay nila Ramona. Noong una, ayaw pa akong payagan. Pero dahil sa pangungulit ko at pagsasabi na may ibibigay lang, tumawag na siya sa kanila para sabihin na nandito ako.

"Ayaw pa noong una ni Mrs. Castillo pero pumayag na rin dahil sabi ko, nangungulit ka. Sige na, pumasok ka na, hijo."

Ngumiti ako sa guwardiya. "Maraming salamat po."

Mabilis kong tinakbo ang pagitan ng guard house at ang bahay ni Ramona, hanggang sa nakarating na ako sa harap ng napakalaking bahay nila. Humingal pa ako nang ilang segundo para makapagpahinga nang kaunti bago pinindot ang doorbell.

Kabang-kaba ako habang naghihintay ng taong magbubukas ng gate. Hinihiling ko na sana, si Manang na lang ang magbukas para hindi ako masiyadong mahiya o matakot, kumpara sa mga magulang ni Ramona.

Pero hindi talaga lahat ng hinihiling natin, nakukuha natin . . . dahil ang nagbukas ng gate para sa akin ay si Mrs. Castillo.

"Caleb, akala ko ba malinaw na sa 'yo ang pinag-usapan natin? Babalitaan kita kung mayroon kaming nahanap na lead kung nasaan si Ramona. Pero sa ngayon, wala pa ring balita," irita at dismayadong sabi niya.

Lumunok ako nang ilang ulit bago iniabot sa kan'ya ang isang envelop. Bakas ang pagtataka sa kan'ya sa ibinigay ko. Magtatanong pa sana siya nang magsalita na ako.

"Gusto ko lang po sanang ibigay n'yo kay Ramona 'yan kapag nahanap n'yo na siya. Matagal na ho kasing nasa akin 'yan. Noon ko pa dapat ibibigay sa kan'ya pero nagkaroon kami ng problema."

Matagal ang titig niya sa envelop na hawak. Nakikita ko rin ang paggalaw ng lalamunan niya maging ang paunti-unting pamumula ng ilong niya.

"Gusto ko ho kasing tuparin 'yung hiniling n'yo sa akin. Na pagbutihan ko sa work immersion, sa pag-aaral ko. This time po, ma'am, mag-aalala pa rin ako sa anak n'yo pero ipapangako ko ho sa inyo na may mararating ako, kahit na may bisyo ako at walang magulang na gumabay sa akin noong tumatanda na ako. Gusto ko hong ipakita sa inyo na . . . kaya ko ho. Para sa sarili ko. At para na rin mapatunayan ko na karapat-dapat ako para sa anak n'yo."

Matagal siyang nanahimik. Nakatitig siya sa akin at ilang ulit na lumunok. Hanggang sa nagbuntonghininga siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon