Chapter 31

1K 45 6
                                    

❝ Laging may kakaibang takot sa akin

Tuwing masasamang pwedeng mangyari

Ang binabanggit mo sa akin.

Hindi ko pa naramdaman ang ganitong takot noon

Pero handa akong harapin ang lahat ng 'to

Maramdaman mo lang na hindi ka nag-iisa

Sa laban mong ito. 

  

"Anong ginagawa mo tuwing weekend?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong ginagawa mo tuwing weekend?"

Tang ina. Nababaliw na talaga ako. Bakit ba itinatanong ko 'to sa kan'ya ngayon? Bakit ba interesado ako? Nang dahil ba girlfriend ko na siya, magiging ganito na ako?

Pota, tama ba 'tong ginagawa ko? Ganito ba talaga kapag may girlfriend? Baka sabihin niya mamaya, clingy ako o nakakairita.

Tumingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa narinig mula sa akin. Napalunok ako't napaiwas ng tingin sa kan'ya, kasabay ng pag-init ng mukha, tainga hanggang leeg ko.

"Okay lang kung ayaw mong sagutin--"

"Hindi, okay lang!" mabilis na pagputol niya sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya. "Uhm . . . last week, wala naman akong ginawa. Nasa . . . bahay lang ako. After nating mag-movie marathon no'ng Friday night, wala naman na akong ginawa kung hindi mag-aral . . ." Ngumuso siya kasabay ng pag-iwas ng tingin na parang nag-iisip. Ilang sandali pa, lumingon ulit siya sa akin. "Saka pala lumabas kami Chase."

Mabilis na napakunot ang noo ko sa binanggit niyang pangalan. Nakaramdam ako ng kaba dahil alam kong pangalan ng lalaki 'yon at wala akong alam na may kaibigan pala siyang lalaki!

"Sino 'yon?" kunot-noong tanong ko.

Tumawa siya bago nangalumbaba, saka tumingin sa akin. "He's my pet dog. I named him Chase kasi no'ng binigay siya sa akin ni Papa, lagi siyang nakatingin at kumakahol sa akin. Akala ko pa nga noon, ayaw niya sa tao, eh. Pero sabi ni Papa, gano'n daw talaga siya kapag gusto ang tao, base sa sinabi sa kan'ya n'ong binilhan niya. Tinititigan hanggang sa mapansin siya."

Napatango at nakahinga ako nang maluwag matapos kong malaman na hindi pala tao si Chase. Mabuti na lang talaga, marunong akong magtanong.

"Pero . . . bakit hindi mo naikwento sa akin 'yan?" tanong ko.

Tiningnan ko ang oras sa relo at nakitang may 20 minutes pa bago mag-start ang klase para sa hapon. Nanatili ako sa tabi ni Ramona para makinig sa mga ikukwento niya pa.

"You never asked," natatawang sabi niya.

Sabagay . . . ano nga bang ikukwento niya kung wala naman akong itatanong, 'di ba?

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon