❝ Hindi ko alam 'yung totoo
Pero nahuli ko ang talino mo
Pakiramdam ko ngayon
Ang dami ko pang dapat malaman
Tungkol sa 'yo. ❞
Nang makauwi, binuksan ko kaagad ang computer at hinanap sa group chat ang format para sa Personal Development project kung saan ka-partner ko si Ramona. Ni-download ko 'yon saka p-in-rint. Doon ko lang napansin na parang puro checklist ang gagawin.
Binasa ko ang bawat parte ng questionnaire at nakitang may five parts ito. Base sa pinag-aralan namin sa PerDev nitong mga nagdaang semester, may limang areas ito: intellectual, emotional, physical, social and spiritual.
Sa bawat area, mayroong checklist at questions na nangangailangan ng maikling sagot at inaabot ito ng tatlong page. Sa ikaapat na page, doon ilalagay ang summary kung paano namin nakilala ang partner namin based sa area ng personal development.
Ibinagsak ko ang katawan sa kama at isa-isang binasa ang mga naka-print sa papel. Sa pinakahuling page na sasagutan para sa partner, nandoon ang general summary ng lahat-lahat--mula intellectual hanggang sa spiritual. Kailangang mailagay ro'n ang lahat-lahat ng pagkakakilala namin sa ka-partner namin tapos sa pinakadulong parte, magkakaroon ng comment ang ginawaan mo ng research. Kung tama ba ang pagkakakilala ko sa kan'ya o mali.
Pero naisip ko lang . . . hindi ba masiyadong personal ang mga tanong dito?
Sa kalagitnaan ko ng pagbabasa ng questionnaire, tumunog nang tumunog ang messenger ko sa PC. Naiirita akong bumangon at tiningnan kung sino 'yon. Nakita ko ang pangalan ni Ramona na nasa Message Request ko na maraming chat doon.
Mona: Caleb!
Mona: Pupunta ako sa inyo!
Mona: Maybe we can start with the intellectual area.
Mona: Let's start studying together from now on!
Mona: And please, accept my friend request na! It's been weeks since I added you and you're still not accepting me!
Mona: Kahit para lang sa PerDev, can we pretend that we're friends?Umiirap akong pinindot ang profile niya at in-accept ang friend request niya. Mabilis lang din at nag-send siya ng panibagong message sa akin.
Mona: Yehey!
Mona: Thank you!I typed a reply.
Me: I don't usually use social media.
Me: If you want to contact me, text or call me.Ni-send ko ang number ko sa kan'ya, tutal, doon lang naman niya ako madaling makakausap. Nagbubukas lang naman ako ng Facebook at Messenger tuwing ganitong pagkakataon lang na may kailangang kuhaning file sa group chat.
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...