Chapter 37

879 39 1
                                    

❝ Isa . . . dalawa . . . tatlo

Ano bang alam ko

Sa paghawak ng relasyon?

Kaya hindi ko maintindihan

Kung bakit nagawa mo 'yon.

Bakit ka nagsinungaling

Sa harap ko mismo? ❞

   

Pagkapasok ko sa loob ng napakalaking bahay nila, sinalubong ako ng tumatakbo at tumatahol na si Chase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkapasok ko sa loob ng napakalaking bahay nila, sinalubong ako ng tumatakbo at tumatahol na si Chase. Nagpaikot-ikot pa siya sa akin na para bang gusto niyang kargahin ko siya o laruin. Narinig kong tumawa si Ramona bago dumiretso sa kusina. Kinuha ko ang malaking fried chicken na tumatahol para kargahin. Ilang beses niya ulit dinilaan ang mukha ko na para bang ang tagal na niya akong nami-miss.

"Magseselos ang mommy mo n'yan," natatawang sabi ko habang karga si Chase.

Ilang sandali pa, natahimik na siya at nanatili na lang na karga ko. Parang kuntento na siya sa buhay niya ngayon kaya naman sumunod na ako kay Ramona habang karga siya. Sakto namang pagbalik niya dala ang cake na kulay lavender.

"This is the cake I baked last night," paliwanag niya pagkalapag nito sa gitna ng dining table. "I'm really good at baking, you know? Pero iba kasi ang foods ng vegan people so ngayon ko lang 'to ginawa. And, it's for you." She smiled.

Natatawa akong tumango. "Parang ako naman ang may birthday niyan."

Tumawa siya bago ako pinaupo na. Ibinaba ko na sa sahig si Chase at hinayaan itong maglaro-laro habang kami ni Ramona ay naghahanda na para kumain.

"Heads up lang. This pasta is what us, vegans, eat. Hindi naman siya totally gulay. It's actually good. It's called Fettuccine Alfredo. Try mo."

Tumango ako bago kumuha ng pasta na may white sauce na kung normal na tao, iisipin na carbonara lang ito. Nang tinikman ko 'to, parang normal na pasta nga lang siya at hindi mo iisipin na para sa mga vegan lang. Nakita yata ni Ramona na nasarapan ako kaya ngumiti siya sa akin bago nagsalita.

"May meat d'yan na pinaluto ko para sa 'yo. Kainin mo na. Wala namang kakain niyan dito."

Napakunot-noo ako bago lumingon sa tinawag niyang Manang kanina. "Vegan din si Manang n'yo?"

She laughed. "Cute mo sa part na 'yan, ah?" Uminom siya nang bahagya sa juice. "Bawal talaga kumain ng karne dito unless visitor ka. Pero si Manang, nasanay na rin siya. She's eating meats din naman minsan, kung may pagkakataon dahil nga madalas wala ang parents ko. Pero . . . nagustuhan na yata niya ang meals nina Mama at Papa? Not sure talaga."

Tumango na lang ako at tinuloy ang pagkain. Napangiti ako nang makita ko ang yosi na pendant na nasa dibdib niya. Sabi ko na nga ba, bagay 'yon sa kan'ya.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon