🌻 Editor's Pick January 2022 ✨
🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨
🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨
|| first installment of "habit series" ||
Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...
❝ Paulit-ulit mo akong pinipili sa kabila ng lahat
Kahit ipinapakita kong hindi dapat
Bakit ako nang ako?
Anong nakita mo sa isang tulad ko?
Karapat-dapat ba ako sa atensiyon na ibinibigay mo
Kahit na ang dami namang naghahangad sa 'yo? ❞
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagising akong nakahiga pa rin sa single couch habang may nakapatong na kumot sa katawan ko. Inikot ko ang paningin at nakitang mas maayos na ang itsura ng bahay ko kaysa kahapon. Wala na ang mga nagkalat na damit, upos ng sigarilyo, mga pinagbalutan ng mga kinain ko at kung ano-ano pang kalat sa sahig.
Malinis . . . sobrang linis.
Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko, saka tumayo. Nakita ko sa center table na may papel ang nandoon na may magandang sulat.
Caleb!
Nagpasundo ako kagabi kay Papa after ko linisin ang bahay mo kaya 'wag kang mag-alala. Don't worry, naiinip lang din ako kaya naisip kong linisin ang bahay mo. Wala akong pinakialaman! Nilinis ko lang.
Happy birthday ulit!
Ramona ♥‿♥
Hindi ko napigilan ang pagtawa ko nang makita ang cute na emoji na d-in-rawing niya sa tabi ng pangalan niya. Napapailing na lang ako habang naglalakad papasok ng k'warto ko. Kumuha ako ng isang libro sa bookshelf saka inipit doon ang sulat niya, bago ko ibinagsak ang katawan sa kama at ipinikit ang mga mata.
Doon ko lang din napagtanto . . . ito ang unang beses na nakatulog ako nang mahimbing kahit na hindi maayos ang p'westo ko.
Doon ko lang din napagtanto . . . mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong mga nagdaang taon.
Iminulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kisame habang nag-iisip ng kung anong posibleng dahilan kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.
Nang dahil ba 'yon sa malinis na 'yong bahay ko at hindi na ako kailangan pang puntahan ng kapatid ni Papa para do'n?
Nang dahil ba 'yon sa ginawa kong pagsigaw at pag-iyak kay Ramona kagabi?
O baka nang dahil sa ginawa niyang pagyakap sa akin?
Iniisip ko pa kagabi . . . ang tagal-tagal ko nang inaasam ang ganoong klase ng yakap. Hindi ko akalaing sa hindi ko naman kilala ko pa matatanggap 'yon.
Sa lahat ng tao . . . bakit kay Ramona pa?
Wait . . .
Hindi ba magaan ang pakiramdam ko simula noong . . .