Chapter 14

1.4K 69 3
                                    

❝ Sabi mo, Ramona

Nandito ka lang, 'di ba?

Pero ngayon . . . nasaan ka na?

P'wede bang . . . bumalik ka na?

Pero . . . p'wede pa ba? ❞

   

Sumenyas ako sa waiter para sa bill namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumenyas ako sa waiter para sa bill namin. Mabilis naman akong dinaluhan kasama ang bill folder.

"Magkano raw?" tanong ni Ramona habang kumukuha ng wallet sa bag.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Sa halip, kumuha ako ng blue bills sa wallet ko at inipit sa bill folder bago iniabot 'yon sa walter. Ilang sandali pa, umalis na ang waiter kasabay ng pagrereklamo ni Ramona.

"Hala! Ako na sana ang nagbayad! Ang mahal ng pagkain dito! Ako pa ang nag-insist na dito na tayo kumain! Magkano ba ang total? Babayaran ko!"

Umiling ako bago sumandal saka humalukipkip. "Isipin mo na lang, birthday ko pa rin."

Umawang ang bibig niya kasabay ng pagtingin sa plato na nasa harap niya at pagbagsak ng dalawang balikat. "Uhh . . . t-thank you." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Next time, treat ko na talaga. 'Wag ka nang tumanggi."

Ilang sandali pa, bumalik na ang waiter dala ang sukli ko. Nag-iwan ako ng tip para sa kung sino mang tauhan na magliligpit ng pinagkainan namin bago lumabas ng restaurant.

Nang makalabas, nag-aya siyang maglakad-lakad na muna dahil ayaw niya pa raw umuwi.

"Hindi ka ba pagagalitan? Alas-onse na."

Bahagya siyang tumawa bago nagkibit-balikat. "Sabi ko naman sa 'yo, masarap i-break ang rule, Caleb." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Try mo minsan. 'Wag kang magtago sa comfort zone mo."

Napakunot-noo ako sa sinabi niyang 'yon.

Comfort zone?

Ano ba ang comfort zone ko? Wala akong makitang comfort zone ko dahil parang . . . parang wala namang comfort sa buhay ko.

"Oh? Bakit ka natahimik?" tanong niya habang mabagal kaming naglalakad sa sidewalk.

Saglit akong lumingon sa kan'ya bago ibinalik ang tingin sa daan, saka nagsalita. "Wala nga akong comfort zone."

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa bago naupo sa ledge na nadaanan namin. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya, pinanonood siyang paglaruan ang paa habang nakatingin sa akin.

"Hindi mo siguro kilala ang sarili mo."

Napalunok ako sa hindi malamang dahilan nang dahil doon.

Ako? Bakit hindi ko makikilala ang sarili ko? Bobo ba ako?

"Anong sinasabi mo d'yan?" kunot-noong tanong ko.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon