Chapter 34

958 46 2
                                    

❝ Noong umagang 'yon

Hindi sana ako nagpapigil sa 'yo.

Hindi sana ako nagsisisi ngayon

Sa mga bagay na gusto ko sanang

Ulit-ulitin nang kasama ka. ❞

   

Simula no'ng nakasalamuha ko ang mga kaklase namin ni Ramona sa library at naobserbahan kung gaano siya kabait sa kanila, hindi na ako tumigil pa na mas obserbahan siya sa kung paano makitungo sa ibang tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Simula no'ng nakasalamuha ko ang mga kaklase namin ni Ramona sa library at naobserbahan kung gaano siya kabait sa kanila, hindi na ako tumigil pa na mas obserbahan siya sa kung paano makitungo sa ibang tao. Sa loob ng mahigit isang linggo, 'yon ang ginawa ko. At ang dami ko pang nalaman.

Pagkauwi galing sa eskwelahan, nagpahinga lang ako sandali, binuksan ko na ulit ang folder at kinuha ang questionnaire para sa social area ni Ramona. Sinagutan ko ang ilan sa alam ko at napansin ko tungkol sa kan'ya sa tuwing nakikisalamuha siya sa mga professor at mga kaklase namin. Nang masiguradong nasagutan ko na ng tama, sinagutan ko na rin ang summary ng kabuuan ng social area.

Ramona Castillo is a friendly student who likes helping them whenever she's asked. She may hang around with very few people but she has captured the heart of many students and professors here in SLC. She smiles a lot with everyone, especially to the people she thinks are nice to her.

Bigla kong naalala 'yong araw na naninigarilyo ako sa smoking area tapos nakipagngitian siya sa hindi niya kakilala. Ngayon ko lang napagtanto na gano'n talaga siya . . . palangiti sa lahat. Walang pinipili.

I never heard from her that she cared with other people but with the way she taught them when she's asked for help academically, she gladly helps without a complaint even though she already explained it to them a few times.

She offers food to someone who she thinks didn't eat breakfast or a proper meal everyday, especially when she knows the situation of a person. She may be a vegan and that's all that she can offer from her home, but the fact that she always tries to make an effort to make someone feel better is really heartwarming.

Her smile and laughter with everyone is pure . . . genuine . . . sincere. She never faked a smile or laugh. She never had a fight with someone--be it silent or vocal. Even the professors cared a lot about her, especially knowing her condition with her mental and emotional health.

Napangiti ulit ako nang maalala ko kung paano mag-alala sa kan'ya ang mga tao sa clinic, pati ang mga professor namin. Pero hindi ko makakalimutan 'yung professor namin sa PE na sinabi sa akin ang lahat . . . mga dapat at hindi dapat gawin dahil nag-aalala rin siya kay Ramona.

Ramona is loved by everyone. She never let them down. She never disappoints anyone, despite her being unable to play volleyball properly. They understand her and she understands them, too. I never heard her complain about the people around her.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon