🌻 Editor's Pick January 2022 ✨
🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨
🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨
|| first installment of "habit series" ||
Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...
Kung may pakialam pa ba sa 'yo ang mga magulang mo
At kung hanggang kailan ka mag-isa sa mundo. ❞
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang makauwi ako sa bahay, mabilis akong nagsindi ng sigarilyo dahil hindi ako nakapagyosi kanina pagkatapos naming kumain ni Ramona. Habang humihithit ng usok mula sa yosi, naalala ko yung tungkol sa questionnaire. May mga hindi pa nga pala ako binasang parte doon, katulad na lang ng questionnaire na para sa sarili namin. Ibinaba ko na muna ang yosi sa ash tray na nasa center table ng living room.
Kinuha ko ang questionnaires sa bag at hinanap ang pinakahuling parte, kung nasaan ang mga tanong na sasagutan namin para sa sarili namin.
Sobrang dami at parang huhukayin nito ang personal mong pagkatao. Wala naman akong pakialam kung gustong alamin 'yon ng professor namin pero . . . hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang loob ko nang mabasa ang ilang mga tanong na nandito.
What do you want to achieve in life?
What is your dream job?
Where do you see yourself in five to ten years?
Tang inang 'yan. Ni hindi ko na nga makita ang sarili ko sa bawat kinabukasan na haharapin ko, tapos itatanong pa sa akin kung saan ko nakikita ang sarili ko in five to ten years?
Kapag ba sila ang tinanong ko nito, may masasagot sila? Tang ina!
Kinuha ko ang sigarilyo at humithit nang humithit ng usok doon, nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko 'yon at nakitang nag-text si Ramona.
Ramona: What do you want to achieve in life, Caleb? :)
Napabuntonghininga ako bago nag-reply sa kan'ya.
Me: None.
Me: Don't ask questions about that. It's a question for yourself, not for your partner.
Mabilis lang din siyang nag-reply sa sinabi ko.
Ramona: Ay, nabasa mo na?! Asar! Sana pala hindi ko sinabi! Hmp!
Ramona: Kidding aside, what do you really want to achieve in life?
Humiga ako sa long couch bago nag-reply sa kan'ya.