❝ Ang sakit marinig ng bawat pagkabasag ng boses mo
Pero masaya ako na kahit papaano
Naramdaman ko kung gaano kaimportante
Na magkaroon ng pakialam sa tao.
May pakialam ako sa 'yo.
Sa 'yo lang ako natutong mag-alala nang ganito. ❞
"Yung buhay na mayroon ako ngayon, hindi ko ramdam na sa akin 'to," sabi niya sa gitna ng mga hikbing lumalabas sa bibig niya. "Ano pa bang . . . p-p'wede kong gawing dahilan para hindi ko gawin lahat ng 'to sa sarili ko?!"
Akala ko noon, normal lang na makakita ng babaeng umiiyak . . . kasi babae sila. Normal lang na maging outlet nila ang pag-iyak. Mas normal 'yon sa kanila, kaysa sa aming mga lalaki.
Pero normal pa rin ba 'to kung hindi normal para sa akin na ganito siya? Ayaw ko nang ganito siya. Ayaw ko nang ganito si Mona, lalo na sa harap ko. Pero ano bang magagawa ko? Wala naman.
Ngayon lang naman ako nagkaroon ng pakialam sa tao. Tapos, nangyari pa 'yon sa kan'ya--sa kan'ya na walang pakialam sa sarili niya.
"I'm so tired of hearing all those professors asking me to get a regular consultation or counselling from a psychiatrist. They always told me that professionals like them can help me with my condition; that they are not invalidating me and what I need is professional help so that I can start healing from all these pain that I am feeling."
Bahagya siyang tumawa kasabay ng sunod-sunod pang paglabas ng mga luha mula sa mga mata niya.
"Sana nga, nagkasakit na lang ako! Sana nga, may chronic disease na lang ako, hindi yung ganito! Ayaw ko ng ganito, Caleb! Ayaw ko rin naman ng nararamdaman ko! Ayaw ko nitong mga nararamdaman ko! Sana . . . sana ibang sakit na lang, hindi yung ganitong sinusukuan ko ang sarili ko!" she shouted as she sobbed. "If only I am physically sick, doctors can cure me, 'di ba? Baka subukan kong lumaban para mabuhay. Kaso hindi! I am mentally ill and I don't want to live this fucking life anymore!"
Sunod-sunod na hikbi ang kumawala sa bibig niya habang patuloy ang pagpunas ng dalawang palad niya sa mga luhang umaagos sa pisngi niya. Iniangat ko ang kanang kamay para . . . para sana punasan ang luha niya, pero mabilis ko rin binawi 'yon dahil . . . tama ba 'to?
Kailangan niya ba ang ibang kamay para punasan ang mga luha niya? O kailangan niya ang dalawang kamay ko para . . . para hawakan siya nang mahigpit at huwag bitiwan sa bawat pagsuko niya?
Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago nagsalita. "Mona . . . why?"
Hindi ko alam kung tama bang magtanong sa gitna ng sitwasyon na ito, pero gusto kong malaman niya . . . gusto kong maramdaman niyang handa akong makinig. Handa akong magtanong nang magtanong kasi . . . may pakialam ako sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...