🌻 Editor's Pick January 2022 ✨
🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨
🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨
|| first installment of "habit series" ||
Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...
Kapag kapag ang dating walang pakialam ay natutong umibig? ❞
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Welcome, everyone! I want you all to take this chance to think of someone who had a big impact in your life that changed you," panimula ng magga-guide sa aming lahat ngayon para sa journaling activity na in-avail ni Ramona.
Pasado alas sais na ng hapon. Natapos na ang bible study at afternoon prayer para sa araw na ito at ang natitirang activity na lang bago ang dinner at bonfire mamayang gabi ay itong journaling activity.
Nakapaikot ang mga attendees sa loob ng function hall habang ang madre na nagsasalita ay nasa gitna at sinusubukang ituon ang paningin sa aming lahat.
Parang ang tagal na panahon na nang makakita ako ng madre. Bakit kaya ganito kaaliwalas ang mukha nila? Bakit . . . ganito kagaan ang presensiya nila?
"As you think of someone, take the pen and a piece of paper in front of you. Using that, make a letter that tells everything you feel about them—be it happiness, resentments, forgiveness—anything. Write everything with your heart."
Lumingon ako kay Ramona. Nakatitig lang siya sa madre habang nakangiti. Mahigpit ang hawak niya sa ballpen na parang may ibang naiisip.
"You can also offer a token for the person that you have in mind along with the letter that you're going to write. I will give you an hour to do the activity, and after that, you will read it to everyone. You don't need to think too much about that letter. Just relax yourself and write what you really feel. After all, the most sincere letters are the ones written with a heart—not solely with our mind."
Pagkatapos n'on, umalis na ang madre at iniwan ang lahat ng attendees sa loob ng hall. Tahimik ang lahat na nakatitig sa blangkong papel. Ang ilang estudyante na nasa loob ay nagkaroon ng bulungan—nagtatanungan kung anong tokens ang ibibigay nila o kung sino ang pagbibigyan nila ng sulat.
"Who will you write for?"
Napalingon ako kay Ramona. Curious ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Sino . . .
Sino nga ba?
Pinakaimportanteng tao? Pinakamalaki ang impact sa pagkatao ko?
Sino?
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam."
Ngumiti siya. "I will write a letter to my mom." Kinuha niya ang papel bago nagsalita. "But, who knows how or when will I able to give this letter to her?"