Chapter 48

717 30 0
                                    

❝ Nang ipakilala kita sa kaisa-isang tao

Na tumayo bilang magulang ko

Gusto kong ipagsigawan sa mundo

Ikaw na ang makakasama ko hanggang dulo

Pero paano ko na maaabot ang dulo

Kung wala ka na ngayon sa tabi ko? ❞

   

Pagkatapos namin sa simbahan, dumeretso kami ni Ramona sa bahay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos namin sa simbahan, dumeretso kami ni Ramona sa bahay ko. Ayaw niya pa raw umuwi dahil wala naman ang mga magulang niya. Maayos din naman ang lagay ni Chase, ayon sa update na binigay sa kan'ya ni Manang.

"Marunong ka bang magluto?" tanong niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng village.

"Tss. Oo naman."

"Nice! Kung gano'n, ipagluto mo ako, ah?"

Matapos niyang sabihin 'yon, ngumiti siya nang malawak bago tumakbo papalayo sa akin. Tinawanan ko na lang siya bago sumunod sa kan'ya.

Nang makarating kami sa harap ng gate ng bahay ko, nakita kong hindi naka-lock 'yon. Napabuntonghininga ako dahil alam ko na kung sino ang nasa loob.

"Hindi ka nag-lock?" tanong ni Ramona.

Nagbuntonghininga ako bago binuksan ang gate. "Nag-lock. May bisita ako."

"Ohh . . ."

Nang makapasok kami sa loob ng bahay, rinig na rinig namin ang malakas na tunog ng washing machine sa likod. Malinis din ang kabuuan ng bahay, maging ang labas na dinaanan namin kanina.

"Wow, ang sipag naman ng bisita mo. Sino 'yon?" tanong ni Ramona bago naupo sa couch.

Nagbuntonghininga ulit ako bago ibinaba ang gamit sa gilid ng couch. "Si Tita Esme."

Dumeretso ako sa likod kung nasaan siya. Nakita ko doon ang nakatambak na maruruming damit ko kung saan magkahiwalay ang puti at de-kolor. Nakita ko siya na nakatalikod habang binabanlawan ang tapos nang paikuran sa washing machine.

Isang malalim na buntonghininga ulit ang lumabas sa bibig ko. "Tita . . ."

"Ay, kabayo ka!" malakas na sabi niya bago tumayo at lumingon sa akin. "Ikaw na bata ka, nand'yan ka na pala!"

"Tita, sabi ko sa inyo, hindi mo na kailangang gawin 'yan, eh."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin bago bumalik sa pagkakaupo at muling nagbanlaw ng nilalabhan.

"Madali lang naman ito. Hayaan mo na ako. Ngayon na nga lang kita nabisita at gawin itong mga 'to, ayaw mo pa akong pagbigyan."

Napalunok ako bago naupo malapit sa kan'ya. "Hindi mo ako anak, Tita. Hindi mo ako kailangang alagaan nang ganito. Kaya ko na."

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon