❝ Kailan ba 'yung sinasabi nilang tamang panahon?
Paano ba malalaman na tama na ang pagkakataon?
Kung inayos ko ba ang sarili ko noon . . .
Nandito ka pa rin ngayon? ❞
Naubos ko na ang natira kong alak kahapon. Nagising ako ngayon na sobrang sakit ng ulo at pabalik-balik sa CR dahil sa walang tigil na pagsuka gawa ng isang boteng alak na inubos ko mag-isa.
'Tang ina, ganito pala ang epekto ng alak. Ano bang nagustuhan nila dito? Mas mainam pa rin ang yosi. Bukod sa mura, hindi ganito katindi ang epekto sa akin.
Nang matapos maligo, dumeretso ako sa living room at ibinagsak ang katawan sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang lahat ng masakit sa akin nang dahil sa matinding hangover.
Hindi ko rin alam kung anong oras na ba, pero pakiramdam ko, hapon na. Masiyado nang mainit at ramdam ko na rin ang sobrang gutom pero kung susubukan kong kumain, baka hindi ko rin magawa dahil parang puno ang tiyan ko.
'Tang ina . . .
Ilang minuto o oras pa ang nagdaan, nagising na lang ako sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ng bahay. Naiirita akong bumangon mula sa couch para tingnan mula sa bintana kung sino ang tao sa labas. Nang makita ko si Mark, napatingin ako sa wall clock. Doon ko napagtanto na mahigit 5:00 PM na pala.
'Tang ina, wala man lang akong nagawa kung hindi matulog at sumuka! Ganito ba talaga ang tamang paggamit ng suspension day ko?!
"Hoy!!! Eusebio!!!" pagsigaw ni Mark habang nasa magkabilang gilid ng bibig niya ang dalawang kamay. "Halika, putang ina, mag-inuman tayo! May dala akong pasalubong, pakyu ka!"
Napabuntonghininga na lang ako bago lumabas ng bahay para pagbuksan siya ng gate. Tumingin pa siya sa akin nang masama bago pumasok sa loob.
"Putang ina mukha kang basahan!" bulyaw niya. "Hindi 'yan ang Caleb na nagustuhan ng crush ko, 'tang ina mo! Umayos ka!"
Crush niya?
Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at muling kinandado ang gate, bago sumunod sa kan'ya sa loob. Pinanood ko siyang ibinaba ang gamit sa couch at inialis sa paper bag ang mga laman nitong alak at mga pagkain.
"Ayaw kong uminom," sabi ko bago dumeretso sa kusina para kumuha ng plato at mga baso.
"Hindi! Iinom tayo sa ayaw at sa gusto mo!" malakas na sagot niya.
"Hindi pa ako tapos sa hangover ko. Patapusin mo muna ako!"
Humagalpak siya ng tawa oras na makabalik ako sa living room. "Beer lang 'to, tanga! Hindi ka malalasing dito! Pambanlaw lang 'to sa sangkatutak na ininom mong mag-isa, hindi ka man lang nag-aya, demonyo ka!"
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...