Chapter 28

1K 57 0
                                    

❝ Sinong mag-aakala na

'Yung taong nagsasabing ayaw niya

Ng bagay na ipinipilit sa kan'ya

Ay marami palang masasabi

Oras na magtanong ka ng isa?

Paano kung nagkakamali ka?

Paano kung gusto mo pala? ❞

   

Pagkauwi sa bahay, una kong ginawa ay ligpitin ang lahat ng kalat at ayusin ang mga gamit na wala sa tamang lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkauwi sa bahay, una kong ginawa ay ligpitin ang lahat ng kalat at ayusin ang mga gamit na wala sa tamang lugar. Hindi ko alam kung bakit sobrang bothered ako ngayong pupunta si Ramona sa bahay ko, eh nagawa na nga niyang linisin 'to noon.

'Tang ina, ano bang iniisip ko? Hindi naman kami magdi-date! Gagawa lang kami ng project para sa PerDev! Kikilalanin niya lang naman ako based on my spiritual beliefs, tulad ng sinabi niya kanina, dahil hindi niya raw magawa ang part na 'yon ng project. Ano bang . . . iniisip ko?

Pabagsak akong naupo sa couch at tiningnan ang kabuuan ng bahay--kung gaano ito kalinis at kaayos ngayon. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. 7:40 PM na. Hindi pa ako kumakain at naliligo. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago tumayo at itinabi lahat ng ginamit ko sa paglilinis. Pagkatapos n'on, dumeretso na ako sa CR para maligo at gumayak.

Hindi pa ako tapos magbihis, narinig ko na ang pagtunog ng doorbell--hudyat na nand'yan na siya. Nagmamadali akong isinuot ang short, saka dinala ang shirt na nakuha sa closet para maisuot habang naglalakad, bago siya pinagbuksan ng gate.

"N-Nand'yan ka na pala . . ."

Inayos ko ang suot ko na alam kong gusot ngayon dahil sa pagmamadali ko.

"Oo." Awkward na tumawa siya. "Uhh . . . hello?"

Tumango ako bago siya pinapasok. "Tuloy ka."

Ngumiti siya. "Thank you."

Habang naglalakad papasok, kinausap niya ako. "Nakapag-dinner ka na?"

Napakamot ako ng batok. "Hin . . . di nga, eh." Nagbuntonghininga ako bago binuksan ang pinto. "Magpapa-deliver na lang ako."

"Bakit hindi ka pa nagdi-dinner? I thought we agreed to meet after that."

I shrugged. "Marami lang ginawa."

"Tulad ng?"

Tumawa ako bago kami nakaupo pareho sa couch. "Naglinis ng magulong bahay."

She chuckled. "Hindi mo naman kailangang linising mabuti. I've already seen this in its mess before."

"Tss. Dati 'yon. Sige na, maghanap ka na ng gusto mong panoorin. O-order lang ako. Wait."

Tumango siya bago kinuha ang remote na nasa center table. Pumasok ako sa k'warto para kuhanin ang cellphone at um-order ng pizza, fried chicken at softdrinks dahil wala naman akong p'wedeng ipakain sa kan'ya dito. Wala namang stock ang grocery dahil sinabihan ko si Tita na 'wag nang gawin ang mga gano'ng bagay para sa akin.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon