Chapter 26

1.1K 58 4
                                    

❝ Kung p'wede ko lang pigilan

Ang oras sa tuwing kasama kita

Matagal ko na sanang ginawa.

Sana nga binagalan ko.

Baka sakaling napahaba ko

Ang mga minuto at segundo

Na nandito ka pa sa buhay ko. ❞

   

Maaga akong nagising kinabukasan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga akong nagising kinabukasan. Nang dahil do'n, maaga na rin akong gumayak para maghintay kay Mona sa sakayan ng jeep. Naalala ko kasi na sabi ng guard kahapon, maagang-maaga siyang umalis para pumasok. Baka mamaya, maghintay na naman ako sa wala.

6:20 AM pa lang, naghihintay na ako sa kan'ya sa terminal ng jeep. Ramdam na ramdam ko na naman ang kaba habang naghihintay sa kan'ya dahil . . . paano kung naghihintay na naman ako sa wala? Paano kung umalis na siya?

Wala pang 30 minutes ang nakakalipas pero pang-apat na stick ng sigarilyo na ang sinindihan ko ngayon. Hindi ko talaga maialis sa akin na manigarilyo nang walang tigil sa tuwing tensionado ako.

Pero para saan? Para saan ba ang pagiging tensionado ko ngayon?

Titingnan ko na sana ang suot kong relo para malaman kung dapat na ba akong pumunta sa bahay ni Ramona o manatiling naghihintay pa rin nang marinig ko ang boses niyang tumawag sa akin.

"Caleb!!!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses niya at nakitang tumatakbo siya papunta sa akin. Tulad ng araw-araw na nakagawian niya, nakasuot siya ng jacket na hindi naka-zipper at stockings para mapagtakpan ang lahat ng sugat at peklat na ginawa niya sa sarili.

Huminto siya sa harap ko nang humihingal. Yumuko siya at ipinatong ang mga palad sa binti.

"K-Kanina ka pa d'yan?" Tumango ako. "H-Hinihintay mo ako?"

Patuloy siya sa paghingal habang binabato ako ng mga tanong. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at itinayo siya nang maayos.

"Oo."

Tumingin siya sa paligid bago sa tinatapunan ko ng upos ng sigarilyo sa gilid. Ilang sandali pa, tumango-tango siya. "Mukhang kanina ka pa nga . . ." Tumingin siya sa akin. "Anong oras ka nandito?"

Lumunok ako bago humithit sa sigarilyong hawak, saka itinapon na ang natitirang mahigit kalahating stick bago tinapakan para ang sindi nito. "Mga . . . 6:20 AM."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ang aga naman!" Humalukipkip siya bago tumingin sa akin nang masama. "Anong naisipan mo at ang aga mong naghintay dito?" Tiningnan niya ang relong suot. "May 40 minutes pa before ang 7:30 AM."

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon