🌻 Editor's Pick January 2022 ✨
🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨
🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨
|| first installment of "habit series" ||
Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I may be the most awkward boyfriend that a girl could ever have.
Sa dami ng sinabi ni Ramona kanina, wala akong ibang naisagot kung hindi . . .
"Uhh . . . Thank you."
Bahagya siyang tumawa. "For what?"
Nagkibit-balikat ako bago humithit ng usok sa hawak na sigarilyo. "For . . . loving me," I said after blowing the smoke from my mouth.
Muli siyang natawa. "No. Thank you. I will never know how it feels to love someone if it's not because of you."
Ngumiti siya matapos sabihin 'yon, bago itinuon ang atensiyon sa harapan niya. Itinuloy ko na lang ang paninigarilyo habang iniisip kung dapat pa bang sabihin ang gusto kong sabihin ngayon.
Gusto kong mag-sorry dahil hindi ko kayang sabihin ang mga salitang wala namang kasiguraduhan kung nararamdaman ko na nga ba para sa kan'ya. She deserves the constant—the certainties—of every word that she'll be hearing from me. Ayaw kong masira ang kung ano ako nang dahil lang gusto kong sabihin 'yon pabalik sa kan'ya, kahit na hindi naman ako sigurado.
"What are you thinking?" natatawa niyang sabi kasabay ng paglingon sa akin. "Nakakailang buntonghininga ka na."
Napakamot ako sa batok bago nagbuga ng usok saka lumingon sa kan'ya. "Hindi ko alam kung ayos lang bang sabihin 'to."
Tumawa ulit siya. "Ang ano? Sabihin mo na."
Napalunok ako bago nagsalita. "Uhh . . . sorry." Nanatili ang mga ngiti niya pero may kunot na sa noo niya ngayon. "Sorry kasi hindi ko masani sa 'yo 'yung mga salitang sinasabi mo palagi." Napabuntonghininga ako sa kaba habang nagsasalita. "Gusto ko kasing . . . maging sigurado muna. Wala akong alam kung paano ko masasabi kung mahal na ba kita o kung paano ko malalaman kung nagmamahal na ba ako."
Ibinaba niya ang tingin sa paa niyang marahang ikinakaskas sa sahig. Nakikita ko pa rin ang ngiti sa kan'ya at parang maingat niyang pinakikinggan ang mga sinasabi ko. Muli akong nagbuntonghininga bago itinuloy ang sinasabi.
"Ang . . . tagal kong walang pakialam sa kahit na ano o sino. Noon kasi, ang tanging gusto ko lang, kuhanin o bisitahin man lang ako ng kahit isa sa mga magulang ko nang walang kailangan . . . para maramdaman ko na hindi pa ako mag-isa sa mundo. Na nand'yan lang sila at may pakialam sa akin."
Tumingala ako nang maramdaman kong umiinit na ang mga sulok ng mga mata ko. Ito na naman kasi ako, nagkukwento na naman sa mga nararamdaman ko noon para sa mga magulang ko.
"Kaya noong dumating ka sa buhay ko, parang nagulo, eh. Ang daming nagbago. Nanibago ako sa sarili ko kasi . . . hindi nga ako sanay nang may pakialam sa tao. Pero dahil sa mga ginagawa mo sa akin, nang dahil sa . . . pagpaparamdam mo ng mga bagay na hindi ko kailanman naramdaman noon, nagbago ikot ng buhay ko. Alam ko na sa sarili ko, at ramdam ko, na hindi na lang basta 'may pakialam akosa 'yo.' Ang dali lang kasing malaman kapag gusto mo ang isang tao, 'di ba?"
Bahagya akong natawa bago humithit sa hawak na sigarilyo. Hindi ko alam kung bakit pati ang mga bagay na tungkol sa mga magulang ko, nasabi ko pa sa kan'ya kahit na pakiramdam ko, sobrang irrelevant na sa gusto kong ipunto.
"Pero kahit na alam kong gusto kita, hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos kong malaman 'yon. Hindi ko alam 'yung mga tama at mali sa nararamdaman ko para sa 'yo. Nangangapa ako ng mga paraan—ng mga salita—para maiparamdam sa 'yo. Para . . . malaman mo. Kasi, sa lahat ng bagay na sigurado ako sa mundo, 'yun 'yung . . . gusto kita. Gustong-gusto kita."
Hindi ko pa nauubos ang sigarilyo pero binitiwan ko na 'yon sa sahig saka tinapakan para patayin ang sindi.
"Pero iba na kasi kapag mahal na ang pinag-uusapan. Parang ang laki kasi masiyado ng salita na 'yon. Kaya noong unang beses na sinabi mo sa akin na . . . mahal mo ako . . . ang daming naging tanong sa isip ko. Kasi gusto kong malaman, paano mo nasabi na mahal mo ako?" Tumingin ako sa kan'ya. Ganoon pa rin ang posisyon at ginagawa niya. "Gaano ka kasigurado na pagmamahal nga ang nararamdaman mo sa akin? Sapat na ba 'yung . . . dalawang buwan na naging malapit tayo sa isa't isa para masabi mong mahal mo ako?"
Iniiwas ko ang tingin sa kan'ya kasabay ng sunud-sunod na paglunok.
"Pero matapos kong marinig lahat ng sinabi mo kanina, parang sinampal ako ng realidad na . . . hindi ko masasabi na mahal ko ang isang tao dahil puro "paano" at "bakit" ang pinaiiral ng isip ko. Parang sinampal ako ng realidad na . . . dahil ang tagal kong walang pakialam sa paligid, sa mga tao, sa mundo, hindi ko na rin alam kung ano 'yung pakiramdam ng nagmamahal."
Malalim na buntonghininga ulit ang binitiwan ko bago tumingin sa kan'ya.
"P'wede bang . . ." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "P'wede bang bigyan mo ako ng panahon bago ko sabihin sa 'yo ang mga salitang sinasabi mo? Para sa 'yo, gusto kong sigurado na muna ang lahat bago ko sabihin ang isang bagay—ang isang salita. Ayaw kong dumating 'yung araw na magalit ka—magalit ako—sa akin dahil akala mo . . . nagsinungaling ako. Na hindi totoo ang mga sslitang binibitiwan ko."
Napalunok ako ulit bago humarap nang mabuti sa kan'ya.
"I know, for sure, that I like you . . . so much. Pinasaya mo rin ako at tinuruan mo akong magkaroon ng pakialam at makaramdam ng iba't ibang emosyon. Ramona . . ." I sighed. "You don't know how pressured I am because I badly wanted to tell you the same words but I don't know how, when . . . and if what I am feeling for you is love already. I wanted to make sure before I tell you the words. I want to give all the constant and certains for you. So . . . can you . . . give me a little more time to sort and organize my feelings and my thoughts?"
Ngumiti siya bago tumingin sa kamay ko. Kinuha niya ang magkabilang 'yon saka pinagsalikop ang mga daliri namin, bago nag-angat ng tingin at ngumiti.
"I never asked you to tell me those words, Caleb."
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "But I wan—"
"And don't pressure yourself into saying the words. No one wanted a half-baked I love you's from someone they truly love." She smiled before she tiptoed to plant a kiss on my lips. "I, so much, know how much it feels to be pressured. So take your time. You'll never feel pressured when it comes to me. I will never pressure you in anything."
Matapos kong marinig ang mga sinabi niya, para akong nabunutan ng tinik na ang tagal na sa lalamunan ko. Para akong nakahinga nang maluwag dahil iba pala ang iniisip niya sa iniisip ko.
"Caleb . . ."
Umawang ang bibig ko—walang salitang kayang lumabas mula dito matapos niya akong tawagin.
"I love you." She smiled. Kumabog na naman ang dibdib ko. "And you are not responsible for my feelings. You don't have to say it back if you didn't feel the same way yet. Take your time. Okay?"
Napangiti na lang ako kasabay ng marahang pagtango. Bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko bago ko siya hinila at niyakap nang mahigpit. Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagbuntonghininga dahil ang laking pasalamat ko na pinapasok ko siya sa buhay ko.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin nang mahigpit pabalik.
Ramona . . . hintayin mo lang. Masasabi ko rin sa 'yo ang mga salitang 'yon. Dahil gusto kong maramdaman mo 'yung saya na nararamdaman ko . . . sa tuwing sinasabi mo sa aking mahal mo ako.