Chapter 58

793 37 0
                                    

❝ Bakit ba kung kailan huli na ang lahat

Saka natin ginagawa ang mga bagay

Na p'wede naman nating gawin sa simula pa lang?

Bakit kung kailan wala na sa atin

Saka natin hahanapin at ipaparamdam

Lahat ng nararamdaman natin para sa kanila? ❞

   

Walang kahit isang minuto akong naitulog no'ng gabing 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang kahit isang minuto akong naitulog no'ng gabing 'yon. Hindi ko magawang matulog nang mahimbing ngayong alam kong hindi kami sigurado tungkol sa kalagayan ni Ramona. Ang dami nang laman ng isip ko--wala nang space pa para maisip kong matulog.

Bago ako umalis ng bahay para pumasok, tumawag ako sa telepono ng bahay nina Ramona. Tulad ng inaasahan ko, sinagot 'yon ni Manang gamit ang lagi niyang linya tuwing sumasagot ng tawag.

"Castillo residence po. Magandang umaga!"

Gusto kong ngumiti dahil ang saya-saya ng boses niya tuwing sumasagot sa tawag pero alam ko na isa siya sa pinakanag-aalala kay Ramona ngayon. Tumayo na siyang pangalawang nanay nito, kaya alam ko na kung natatakot ako ngayon, mas natatakot si Manang sa p'wedeng mangyari kay Ramona.

"Manang . . . m-may balita na ba?"

Hindi ko alam kung ano na bang klase ng boses mayroon ako ngayon pero alam ko sa sarili ko na walang sigla. Kung nandito si Mark, sasabihin niya na para akong patay dahil wala akong kasigla-sigla. Siguro . . . gano'n ulit ako ngayon.

"Caleb . . . ikaw pala 'yan. Wala pang balita," mahinang sagot niya. "Nandito ang amo ko, mamaya na tayo--Manang, sino 'yang kausap mo?"

Naigalaw ko ang ulo nang marinig ko ang boses ng mama ni Ramona.

"Ahh . . . k-kaklase ho ni Mona. Pinatatanong kung makakapasok dahil last day na raw ng final exam nila ngayon."

Kung normal na araw 'to, humanga na ako dahil sa magaling na pagpapalusot ni Manang at 'yung katotohanang alam niya talaga ang schedule ni Ramona sa school. Pero hindi ito ang tamang panahon para do'n.

"Pakisabi sa classmate niya na nagpadala na ako ng excuse letter sa school nila. Wala ka nang ibang sasabihin, Manang."

Napalunok ako at nawalan ng pag-asa na makakakuha ng balita ngayong narinig ko kung paano maging amo ang mama ni Ramona kay Manang. Kung ipipilit ko siguro, baka madamay pa si Manang at mawalan ng trabaho.

'Tang ina naman.

"Sige na, Caleb."

Pagkatapos n'on, ibinaba na ni Manang ang tawag. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ibaba na lang din ang telepono at pumasok sa eskwelahan, dala ang project namin sa PerDev.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon