Chapter 39

823 39 4
                                    

❝ Para akong bagong salta

Sa lugar na nagmamahal ang lahat.

Ano ba ang basehan kapag sinabing—

Ang tao ay nagmamahal?

Gaano ba ito kalalim at kabigat?

Wala akong alam noon.

Natutunan ko lang ang lahat

Noong wala ka na sa tabi ko. ❞

  

Love

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Love . . .

Paano ba natin masasabi na mahal natin ang isang tao? Ano ba ang mga kino-consider na criteria para masabi nating nagmamahal tayo?

Kapag ba sinabi ko na . . . gusto kita . . . katumbas na nito ang salitang . . . mahal kita?

Kapag sinabi ko ba na nag-aalala ako sa kan'ya . . . sapat nang dahilan 'yon para sabihing mahal ko siya?

Kapag ba hindi ako makatulog kaiisip sa kan'ya tuwing hindi kami magkaayos, ibig din bang sabihin n'on . . . mahal ko siya?

"Y-You should go home . . ." sabi ni Ramona nang lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin ako nakakasagot sa sinabi niya. "I also need to go home." Kumalas siya sa yakap. "I'm sure I'll hear an earful from them tonight."

Tumango ako at ngumiti. "Okay, then. Mauna ka nang umalis. Aalis din ako kapag alam kong nakauwi ka na."

Ngumiti siya bago tumango. "G-Good night  Caleb."

Matapos niyang sabihin 'yon, tumingkad siya para abutin ako at patakan ng mababaw na halik sa labi, bago naglakad paalis.

Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin. Mabagal ang mga hakbang niya na para bang ayaw niyang umuwi pero dahil kailangan niya, wala siyang magawa.

Nagpalipas ako ng sampong minuto simula nang umalis siya, bago ako tuluyang tumalikod sa daanan papunta sa kanila at tinahak ang daan pauwi sa amin. Sa kabuuan ng paglalakad ko, isa lang ang tanong sa isip ko.

Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao?

Ano bang dapat gawin para malaman kung mahal ko na ba si Ramona? Ano bang mga c-in-onsider niyang rason para masabing mahal niya ako? Paano niya nasabing . . . mahal niya ako?

Nang makauwi, nahiga ako sa couch at kinuha ang isang kahang sigarilyo na nasa table, kasama ang lighter na nasa tabi nito. Kumuha ako ng isang stick saka ito sinubo, bago sinindihan. Napapikit ako sa naramdaman matapos kong humithit ng usok mula dito, at naramdaman na kahit papaano, kumakalma na ako mula sa parang napakaraming nangyari kanina.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon