Finale ½

1.5K 49 2
                                    

TRIGGER WARNING: SUICIDE STORYTELLING AHEAD! READ AT YOUR OWN RISK.

   

❝Anim na taon na akong naghihintay sa katotohanan—

Ng sagot sa lahat ng mga katanungan.

Ngayong nasagot na 'yon at nakita na kita

Akala ko magiging sapat na.

Gusto kong ako pa rin ang mahal mo, Ramona . . .❞

   

Naghintay sa akin si Ramona na makuha ang gamit ko sa classroom at makapag-time out sa trabaho bago kami lumabas ng campus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naghintay sa akin si Ramona na makuha ang gamit ko sa classroom at makapag-time out sa trabaho bago kami lumabas ng campus. Nadaanan pa namin si Mark at Moana na kumakain ng turo-turo sa labas. Nag-iwas ng tingin si Moana sa amin habang si Mark naman ay halatang masayang-masaya para sa akin.

Siya ang nakakita ng lahat ng paghihirap ko kay Ramona kaya alam ko na totoong masaya siya para sa akin ngayon.

"Hindi ka muna ba magyoyosi?" tanong ni Ramona nang makita ang smoking area sa labas.

Bahagya akong tumawa. "Hindi na ako nagyoyosi."

Bahagyang umawang ang bibig niya bago tumango at ngumiti. Itinuloy na namin ang paglalakad palayo sa eskwelahan, hanggang sa makapasok kami sa Starbucks na nagbukas dito two years ago.

Nang makahanap ng bakanteng pwesto at maka-order, naupo na kami sa upuan. Tumingin si Ramona sa labas ng glass wall na para bang kinikilala niya ang lugar na dati'y naging parte siya.

"Ang laki na ng pinagbago nito. Ang dami nang new establishments," sabi niya habang nasa labas pa rin ang atensiyon.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya. Inobserbahan ko na lang ang lahat ng pinagbago sa kan'ya habang abala siya.

Hindi na siya nakasuot ng long sleeve ngayon. Hindi ko alam ang tawag sa damit niyang suot pero may manipis 'yong strap habang may nakalaylay na tela sa ibaba ng balikat niya na parang handa na siyang magpabakuna any time.

At dahil hindi na nga siya naka-long sleeve ngayon, kitang-kita ko ang braso niya na dati itinatago niya sa lahat. Bakas ang napakaraming peklat doon, lalo na sa gawing palapulsuhan niya. May ilang halatang malalim ang naging sugat pero hindi tulad dati, hindi na halata ang mga napakaraming sugat niya noon. Kung hindi tititigan, hindi pa mahahalata na may mga peklat.

Isa pa, mas mapayat siya ngayon pero mas maputi. Hindi na mataba ang pisngi niya, 'di tulad noon, pero nagmukha siyang matured at napakaganda niya talaga ngayon. Mukha na talaga siyang professional.

Nagdo-doctor na siguro siya ngayon.

"Caleb and Mona!" pagtawag ng barista sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ramona pero nauna na akong tumayo sa kan'ya para kuhanin ang mga order namin. Pagkatapos, bumalik na ako sa kan'ya.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon