Chapter 22

1.1K 57 4
                                    

❝ Gulong-gulo na ako.

Noong araw na makita ko

Lahat ng sugat na itinatago mo.

Akala ko tama ang sinabi mo--

Na naaawa lang ako sa 'yo.

Pero hindi ganoon ang naramdaman ko.

Malayong-malayo sa sinasabi mo

Ang itinitibok ng puso ko. ❞


Matagal siyang tumayo sa kinatatayuan niya kanina na parang hindi makapaniwala sa naging tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matagal siyang tumayo sa kinatatayuan niya kanina na parang hindi makapaniwala sa naging tanong ko. Tumingin-tingin pa siya sa paligid na parang naghahanap doon ng salitang p'wede niyang banggitin bilang sagot sa akin.

Mabagal akong lumapit sa kan'ya kasabay ng pagtikhim niya.

"Ano . . ." Tumikhim ulit siya bago tumingin sa akin. Namumula pa rin ang mga mata niya. "Mamayang . . . 10 p.m. Magkita na lang tayo sa . . . labas ng village n'yo."

Napahawak ako sa batok nang makaramdam ng kaba at hiya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip ang mga p'wedeng mangyari mamaya kapag magkasama kami nang ganoong oras.

"Bakit . . . 10 p.m.?" tanong ko. "Hindi ba masyado nang gabi 'yon?"

Bahagya siyang ngumiti. "T-That's the . . . usual hour I . . ." She looked away. "I do these." Inilahad niya ang dalawang braso na parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. "Malay mo . . . yosi mo pala ang . . . ang pipigil sa akin."

Hindi ko na nagawa pang magsalita. Tumango na lang ako at pinanood siyang maglakad palayo sa akin.

Nang mawala na siya sa paningin ko, napabuntonghininga na lang ako bago maglakad pauwi sa bahay ko. Nang makauwi, nahiga ako sa couch at inisip ang lahat ng sinabi ni Mona kanina.

Normal bang gustuhing mamatay na lang dahil naiisip niyang hindi matutupad ang pangarap niyang maging doktor? Ayos lang bang isiping sumuko dahil sa bagay na . . . hindi pa naman nangyayari? Ayos lang bang sumuko dahil lang magulang niya mismo ang kalaban niya sa pagkamit ng mga pangarap niya?

Napabuntonghininga ako bago ipinikit ang mga mata saka ipinatong ang braso doon.

"Buti pa siya." Isang malalim na buntonghininga ulit ang lumabas sa bibig ko. "Buti ka pa, Mona."

Gusto kong mainggit kay Mona kasi bata pa lang siya, alam na alam na niya kung ano ang gusto niya; kung ano ang pangarap niya. Gusto kong mainggit kasi . . . wala akong alam sa kung ano bang gusto kong maging pagtanda ko. Wala akong ideya kung ano ba ang pangarap ko.

Required ba magkaroon ng pangarap para may magtulak sa 'yo na mabuhay sa araw-araw? Paano kung hindi mo makamit ang pangarap mo, titigil na rin ba ang mundo mo?

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon