❝ Kung may bagay na hindi ko pagsisisihan
'Yun ay no'ng sinabi ko sa 'yo na maikli lang ang buhay.
Pero ang mga salitang 'yon pala
Ay sa maling oras ko pala naibigay. ❞
Tang ina, bakit may pagkindat? Pota, anong gagawin ko ro'n?!
Ilang oras na ang lumipas simula nang ginawa niya 'yon pero paulit-ulit ko pa ring naaalala kung paano niya ginawa 'yon dahil lang pinakopya ko siya ng assignment sa Calculus.
Kung gano'n naman pala ang kapalit ng pagpapakopya ng assignment sa Calculus, eh 'di . . .
Napakamot ako nang matindi sa ulo ko bago isinubsob ang mukha sa table habang nagpapaliwanag ang professor namin para sa unang subject namin na English.
Tang ina, Caleb! Ano bang iniisip mo?!
Nang tumunog ang alarm sa eskwelahan tatlong minuto bago mag-alas dose, nagmamadali ang mga kaklase kong magligpit ng gamit habang binabanggit ng prof ang mga dapat tandaan bago tuluyang lumabas ng classroom. Ang alarm talaga ang hudyat na tapos ang klase sa umaga at simula na ng lunchbreak.
Naaalala ko talaga sa mga kaklase ko yung aso sa theory ni Pavlov sa Classical Conditioning. Mga nagmamadaling magligpit kapag naririnig ang bell, eh.
"Okay, you may all go now," huling sabi ni prof bago tuluyan nang nag-unahan sa paglabas ang mga kaklase ko habang nag-iingay.
Napapailing na lang ako bago kinuha ang bag at nagsimula nang lumabas ng classroom kasama ang kaunting kaklase na natira sa loob. Habang naglalakad papunta sa pintuan, nag-iisip na ako ng lugar kung saan kakain para makapag-yosi pagkatapos. Ayaw na ayaw kong kumain sa cafeteria dahil sa dami at ingay ng mga tao kaya madalas, lumalabas pa ako.
Oras na humakbang ako palabas ng pintuan, narinig ko na naman ang matinis na boses ng babaeng makulit na 'to.
"Caleb!"
Lumingon ako sa kan'ya nang hindi binabago ang kawalan ko ng ekspresiyon. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin ang makinang niyang mga mata.
Napalunok ako nang maalala ko na naman yung ginawa niya kanina.
"Oh, bakit?" tanong ko.
Hanggang kailan ba ako kukulitin nito?
"Sabay na tayo kumain! Wala akong kasabay kumain sa cafeteria palagi, eh."
Umirap ako. "Ayaw ko."
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kan'ya pero rinig ko pa rin ang mga hakbang niyang nagmamadali para mahabol ako.
"Sige na! Ikaw lang ang friend ko dito!"
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...