Chapter 27

1K 63 2
                                    

❝ Wala akong ideya sa mga nangyayari

Sa akin tuwing kasama kita.

Paulit-ulit kong isinisiksik

Sa isip kong kaibigan lang kita.

Pero paulit-ulit din ang sarili

Na nabibigo sa kasinungalingang ipinipilit

Dahil . . . gustong-gusto kita.

Gustong-gusto kitang talaga. ❞

   

Kinabukasan, maaga ulit akong umalis ng bahay para maghintay kay Mona, pero hindi na katulad ng kahapon na sobrang aga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan, maaga ulit akong umalis ng bahay para maghintay kay Mona, pero hindi na katulad ng kahapon na sobrang aga. 6:35 AM nang lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papuntang terminal ng jeep.

Malayo-layo pa ako, may nakita na akong babae na ikinakaway ang nakataas na kamay.

"Caleb!"

Napangiti ako nang malawak bago binilisan ang paglalakad papunta sa kan'ya. Nang makarating ako, iniabot niya sa akin ang isang paper bag.

"Good morning!"

Kinuha ko sa kan'ya ang paper bag. "Ano 'to?"

"Breakfast. Baka hindi ka pa kumakain."

Tumawa ako bago ginulo ang buhok niya. "Kumain na ako, pero sige. Kainin natin 'to mamaya pagkarating sa campus."

Hindi ko alam kung bakit nagkusa na ang kamay ko na hawakan ang kamay niya bago kami sumakay ng jeep. Nagbitiw rin kami nang makaupo na para kumuha ng pamasahe.

"Ako naman ang magbabayad ngayon," sabi niya bago nakisuyo sa isang pasahero na iabot ang 50 pesos niya. "Manong, dalawang Saint Lorenz Colleges po."

Tumango ang driver sa kan'ya bago ipinabot sa mga pasahero ang sukli niya. Nang makuha 'yon, tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Kumusta na ang PerDev project mo?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Dalawa na ang natatapos ko."

Tumango siya. "Ako malapit nang matapos."

Napakunot-noo ako. "Bakit ang bilis mo?"

Tumawa siya nang bahagya. "Matagal na kiatng inoobserbahan. Naging advantage ko siguro 'yon ngayon sa project."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Ngumisi ako sa kan'ya na naging dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Bakit inoobserbahan mo ako noon?" tanong ko. "Crush mo ba ako?"

Mabilis na namula ang mukha niya kasabay ng panlalaki ng mga mata niya. "H-Ha! Asa ka!" Nag-iwas siya ng tingin. "H-Hindi kita type, 'no!"

Humalukipkip ako at lalo siyang inasar gamit ang mga tingin ko. "So, bakit mo ako inoobserbahan?" panunukso ko pa.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon