Chapter 17

1.2K 66 10
                                    

❝ Ang dami-daming bagay sa mundo

Ang sinabi kong hindi ako interesado

Katulad na lang ng pagsusulat para sa isang tao

Hindi ko maintindihan noon

Kung bakit ginawa ko para sa 'yo

Pero ngayon . . . malinaw na.

Ngayon . . . alam ko na. ❞


Matapos kong maihatid si Ramona sa kabilang village, nagmadali akong umuwi sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos kong maihatid si Ramona sa kabilang village, nagmadali akong umuwi sa bahay. Pagkarating na pagkarating ko sa k'warto, ibinato ko sa gilid ang bag at binuksan ang computer para mag-search kung paano gumawa ng isang bagay.

How to write a letter

Sobrang daming lumabas na resulta. May mga suggestions pang lumitaw na iba't ibang klase ng letter katulad na lang ng:

How to write a letter of intent

How to write a letter of request

How to write a letter of appeal

Sobrang daming lumabas na suggestions at hindi ko alam kung anong letter ba ang gagawin ko. Sinubukan kong dugtungan ng "to" ang sini-search ko kanina at ang unang lumabas ay "how to write a letter to a friend."

Napatigil ako sa pag-scroll at napasandal sa sandalan ng swivel chair ko. Bigla kong naalala na paulit-ulit kong sinasabi kay Ramona na hindi kami magkaibigan at ayaw kong maging kaibigan siya, pero alam ko na kahit ilang ulit kong sabihin 'yon, magkaibigan na ang tingin niya sa amin.

Pero hindi pa nga ba kami magkaibigan kung halos isang buwan na kaming sabay pumasok at umuwi, sabay kumain ng lunch, gumawa ng assignments, projects, mag-review at kung ano-ano pa?

Hindi pa ba kami magkaibigan n'on? O hindi 'yon ang gusto ko?

Nagbuga ako ng buntonghininga at inialis ang huling naisip. Ibinalik ko ang buong atensiyon sa monitor at ni-click ang unang result sa s-in-earch kong "how to write a letter to a friend."

Binasa ko ang article na binuksan at nakitang may ten tips doon kung paano gumawa ng informal letter para sa isang kaibigan. Unang tip ay ang greetings sa susulatan: begin with salutation.

"If you are writing to a best friend in a casual style, you can start the letter with words like "Hello," "Hi," or any word which is common between you. If you are writing to a person with whom you have intimate relations, you can write "My love," "Sweet," etc."

Gusto kong masuka sa nabasa ko. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit sobrang corny para sa akin ng mga letter letter na putang inang 'yan, eh.

Nagbuga ako ng buntonghininga bago binasa ang mga sumunod na tips. Ang sumunod ay "explain yourself."

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon