Chapter 20

1.2K 69 3
                                    

❝ Sa unang pagsigaw mo,

Ginusto kong takpan ang mga tainga ko.

Pero nang makita kita kung paano isigaw

Ang bawat salita na kailanman

Hindi ka naging malayang ihayag,

Doon ko naintindihan ang sinabi mo noon.

Kailangan kita . . .

Kaya huwag ka sanang mawala. ❞


Natapos na ang klase sa umaga kaya naglalabasan na ang mga estudyante sa bawat classroom para kumain ng lunch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natapos na ang klase sa umaga kaya naglalabasan na ang mga estudyante sa bawat classroom para kumain ng lunch. Nakita ko si Ramona na nagmamadaling lumabas ng classroom kasabay ng iba naming mga kaklase.

Napabuntonghininga na lang ako bago kinuha ang bag ko, saka lumabas na rin ng classroom.

Tahimik akong sumunod sa kan'ya sa paglalakad. Alam kong alam niyang nakasunod ako sa kan'ya at gusto kong malaman niya rin 'yon. Gusto kong magtanong siya sa akin kung bakit ko siya sinusundan, o kahit na anong tanong. Basta kausapin niya lang ako!

Pero nakarating na kami ng cafeteria, hindi man lang siya lumingon sa akin kahit na isang beses. Magkasunod lang kami sa pagbili ng pagkain namin pero kahit isang lingon, hindi niya ginawa. Nakaupo na siya sa table na nasa harap ko lang din pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin kahit na literal na nasa harap lang niya ako!

Tang inang buhay 'to.

Kaya ayaw kong nagkakaroon ng pakialam, eh. Ang dami-daming emosyon na dapat maramdaman kapag nagkakaroon ka ng pakialam. Hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon, eh.

Bakit? Sino ba siya? Partner ko lang naman siya sa PerDev. Bakit ako may pakialam sa kan'ya? Tang ina! Kung may problema siya, sabihin niya, hindi yung ganito!

Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko, uminom na ako ng tubig at padabog na tumayo, dala ang bag, saka lumabas ng campus. Pumunta ako sa smoking area at doon nagsimulang manigarilyo. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Halos 40 minutes pa ang natitira bago magsimula ang klase sa hapon. Marami-rami siguro akong mayoyosi ngayon kung hindi ako magtatanga.

Nakakatatlong stick na ako ng yosi nang makaramdam ng inip. Dati pagkalingon ko sa kaliwa ko, nandoon lang si Mona na hinihintay akong matapos. Ngayon, tang ina, wala!

Nakalima akong stick ng yosi bago ko napagdesisyunang bumalik na sa loob. Pagkatapos ko ng campus, saktong nakita ko si Mona na palabas. Parang napahinto pa siya nang makita niya ako pero dumiretso lang siya sa paglabas na parang nagmamadali.

Gusto kong sumunod sa kan'ya, pero . . . bakit pa? Ano bang napapala ko?

Nagbuntonghininga na lang ako bago ipinagpatuloy ang paglalakad papunta ng building. Limang minuto bago magsimula ang klase, bumalik si Mona. Nakita ko siyang nakatingin sa akin bago naupo sa upuan niya.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon