Chapter 40

926 42 1
                                    

❝ Hindi ko alam kung bakit ko

Paulit-ulit kinukuwestiyon ang sarili ko

Sa tuwing sinasabi mong mahal mo ako.

Pero matapos kong marinig lahat

Ng sagot sa aking mga katanungan

Doon ko naintindihan—

Maraming dahilan at paraan para magmahal.

At ako ang pipili . . .

Sa kung paano ako magmamahal. ❞

  

Lumipas ang mga araw, mas lalo kaming naging abala dahil matatapos na ang semester sa loob lang ng dalawang linggo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas ang mga araw, mas lalo kaming naging abala dahil matatapos na ang semester sa loob lang ng dalawang linggo. Dumarami na ang requirements na hinihingi sa amin at inihahabol namin para lang hindi bumagsak o makakuha ng mababang grades.

Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko 'to. Wala namang may pakialam kung maging Latin Honor ako o bumagsak. Lagi ko na lang pinapatunayan ang sarili ko sa wala.

"May gagawin ka this weekend?"

Napatingin ako kay Ramona na kumakain din sa harap ko. Nakatitig siya sa akin habang malawak ang mga ngiti.

"Wala naman. Bakit?"

Lalo siyang ngumiti. Parang nawawala na ang mga mata niya sa lawak ng ngiti niya. Gusto kong tumawa dahil sa ka-cute-an niya pero mukhang may importante siyang sasabihin at mukhang gusto niya 'yon dahil sa lawak ng ngiti niya ngayon.

"Did you go to a retreat house before?"

Napangisi na lang ako kasabay ng pag-iling bago itinuon ang atensiyon sa pagkain. "Hindi pa. Ano namang gagawin ko d'yan?" natatawang sabi ko bago sumubo ng pagkain.

"Can we gooo?"

Tuluyan na akong natawa dahil sa pagpapa-cute niya. Tumingin ako sa kan'ya bago pinisil ang ilong niya.

"Sasama ako sa kahit saan mo gustong pumunta. Pero magpaalam ka sa mga magulang mo, ha?"

Ngumuso siya. "Okay lang naman sa kanila 'yong gano'n. Saka malapit lang naman 'yon. Mga one-hour drive! Isang gabi lang naman tapos by Sunday, uuwi na tayo."

Tumingin ako sa itaas, kunwaring nag-isip, bago ibinalik ang tingin sa kan'ya at saka ngumiti.

"Okay."

"Yehey!" Bahagya siyang tumayo sa upuan saka hinawakan ang mukha ko para halikan ang labi ko nang paulit-ulit. "I looove you!" sabi niya bago ako binitiwan.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon