🌻 Editor's Pick January 2022 ✨
🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨
🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨
|| first installment of "habit series" ||
Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi naging malinaw sa akin kung ano na ba kami matapos kong gawin 'yon sa kan'ya, dahil nang maghiwalay ang mga labi namin ni Mona, tumingin lang siya sa akin at ngumiti, saka itinuloy ang pagnood sa TV. At nang matapos ang dalawang episode ng series na 'yon, nagpaalam na siya sa aking uuwi.
"'Wag mo na akong ihatid. Nagpasundo ako kay Papa. Nasa labas lang siya ng village," paliwanag niya.
"Ihahatid na lang kita sa labas ng village."
Umiling siya. "Caleb, 'wag na. Kaya ko."
I sighed as I watched her take her things with her. "Good night."
Pagkatapos n'on, tuluyan na siyang lumabas ng bahay ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi mag-isip nang mag-isip sa kung ano ang p'wede ko pang gawin para lang huwag siyang sumuko sa buhay, at kung tama ba o mali ang ginawa ko sa kan'ya kanina.
Pero . . . kailan ba magiging tama na halikan ang isang babae kung wala naman kaming relasyon talaga?
Napabuntonghininga ako bago niligpit ang mga pinagkainan. Pagkatapos n'on, pumasok na ako sa k'warto para magpahinga, pero hindi pa rin ako mapakali.
Parang ang dami masyadong nangyari ngayong araw. Ang dami kong nalaman sa kan'ya.
Napabuntonghininga ako bago bumangon. Kinuha ko ang folder kung nasaan ang questionnaire para sa PerDev project. Kinuha ko ang questionnaires na para sa social area of personal development at sinagutan, ayon sa pagkakakilala ko kay Mona. Hindi ko masagutan ang iba dahil hindi pa sapat ang nalalaman ko tungkol sa kan'ya kaya naman ibinalik ko na muna 'yon sa folder saka muling nahiga.
Nang ipinikit ko ang mga mata ko, muli kong naalala ang mga panibagong sugat na nakita ko sa braso niya na pilit niyang itinatago. Iminulat ko ulit ang mga mata kasabay ng pagbuntonghininga.
"Mona . . ."
Bakit kailangan kong maging ganito kalapit sa 'yo? Ang hirap mong gustuhin dahil . . . sinusukuan mo ang sarili mo. Mas lalong . . . mas lalo kitang nagugustuhan sa kabila ng hirap at sakit na nararamdaman ko sa tuwing nagkakagan'yan ka.
Mas lalo kitang . . . ayaw sukuan.
Lumipas ang mga oras, hindi ako nakaramdam ng kahit na kaunting antok, kaya naman bumangon na ako at nagpalit ng damit saka nagsuot ng sapatos para mag-jogging, katulad ng paulit-ulit kong ginagawa, para lang mapagod ako at makaramdam ng antok.
Bago pa dumating si Mona sa buhay ko, ito na ang paulit-ulit kong ginagawa makatulog lang dahil ayaw kong gumamit ng sleeping pills. Pero wala naman sigurong masama kung sisimulan ko nang gumamit ngayon, para hindi ko na pinahihirapan ang sarili ko.