❝ Hindi ko alam noon na
Ang mga ginagawa ko pala kasama mo
Ay isa sa mga paraan para magpaalam sa 'yo.
Kung alam ko lang, sinabi ko na sa 'yo
Gaano man ako kalito
Sa sarili kong nararamdaman para sa 'yo. ❞
Sabado nang umaga nang umalis kami ni Ramona papunta sa retreat house kung saan siya nag-register para sa aming dalawa. Pareho kaming may dalang backpack na may lamang kaunting damit na gagamitin namin para doon dahil marami raw activity ang gagawin.
"Gusto ko sanang three days tayo do'n kaso hindi p'wede dahil exam week na next week," paliwanag niya habang kinukwento niya ang tungkol sa mga gagawin mamaya. "Sayang kasi may horse backriding din do'n at may iba pang activities na mukhang interesting."
Tumawa ako bago umakbay sa kan'ya at hinila siya papalapit para yakapin. "Marami pa namang susunod. Sa ngayon, ito na muna tayo."
Makalipas ang mahigit isang oras ng byahe, nakarating kami sa harap ng isang napakalaking tarangkahan kung saan, pagpasok mo ro'n, bubungad sa 'yo ang malawak na lupain. Mayroong mga kubo na nakatayo nang magkakatabi, malaking pool area sa labas, may ilan ding building kung saan nakalagay kung anong area at function nito.
Sa hindi kalayuan ay matatanaw ang mga bundok kung saan sinabi ni Ramona na ang isang activity ay hiking.
"Tara na," sabi niya bago hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa lounge area.
May ilang mga tao ang nandoon, naghihintay rin tulad namin. Maraming estudyante, matatanda at ang ilan pa ay isang buong pamilya.
Ilang sandali pa, dumating na ang receptionist at ipinaliwanag sa amin ang mga service na in-avail ni Ramona para sa aming dalawa.
"Sa Double Queen Size bedroom po kayo," paliwanag nito bago itinuro sa amin ang daan papunta doon.
Ilang sandali pa, natapos nang ipaliwanag ang mga gagawin ngayong buong araw kaya naman nagpunta na sa kani-kanilang k'warto ang lahat. Pumasok kami ni Ramona sa isang kubo na mayroong dalawang kama na magkahiwalay.
"Isang King Size sana 'yung kukuhanin ko kaso baka . . ." Tumikhim siya pagkababa ng gamit. "Charot."
Tinawanan ko lang siya. "Mauna ka nang magbihis," sabi ko dahil base sa paliwanag kanina, unang activity namin ngayon ay yoga.
"Okay. Wait lang."
Hinubad niya ang sapatos na suot at kinuha ang damit pamalit sa bag bago pumasok sa loob ng CR. Napangiti na lang ako bago kinuha ang damit na pamalit ko. Nakita ko ro'n ang camera na nabili ko kahapon na balak ko talagang gamitin para sa araw na 'to.
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...