Chapter 50

783 28 0
                                    

❝ Nagkamali ako dahil nasaktan kita

Mali ang saktan ka dahil lang nasaktan ako

Mali ang sinigawan, tinalikuran at iniwan kita

Dahil lang nasasaktan ako sa nakaraan ko.

Patawarin mo ako. ❞

   

"Caleb

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Caleb . . ."

Boses ni Ramona . . .

"Caleb, gising . . ."

Teka, sabi ko ayaw kong matulog, ah?

"Caleb . . ."

Ramdam ko ang marahan na pagtapik niya sa pisngi ko. Ilang sandali pa, nagmulat na ako ng mga mata. Nakita ko siya na nakaupo sa sahig habang nakatingin sa akin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa couch. "Sabi ko, ayaw kong matulog."

Tumawa siya bago naupo sa tabi ko. "Gayak ka na. Kain tayo sa labas."

Tiningnan ko siya. Iba na ang suot niya. Hindi na siya naka-pants at long sleeve top ngayon. Nakasuot siya ng long-sleeve dress habang ang binti ay naka-stockings para matakpan ang mga sugat na ginawa niya sa sarili niya.

"Saan tayo puupunta?"

Ngumiti siya nang magkadikit ang mga labi. "Magdi-date tayo sa magandang restaurant."

Ngumiti ako bago ginulo ang buhok niya. "Okay, wait mo ako."

Tumango siya at hinayaan akong tumayo para pumunta ng CR. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng three-fourths na polo at maong na pants. Inayos ko ang sarili ko at nag-spray ng pabango sa sarili, bago lumabas ng k'warto. Nakita ko doon si Ramona na hawak ang mini instax camera na binili ko.

"Tapos ka na pala. Tara, picture muna tayo."

Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Umakbay ako sa kan'ya bago ngumiti sa camera, saka niya ni-click ang capture. May pinindot siyang kung ano-ano bago nag-develop ang picture.

"Ayan! Mamaya ulit, sa restau."

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras, bago tumingin sa akin. "Tara na, bilis! 7:15 PM na."

Hinila niya ako palabas ng bahay. Para siyang nagmamadali na lumabas hanggang sa makasakay na kami ng tricycle. Nagpahatid siya sa restaurant kung saan siya nagpa-reserve ng para sa dinner naming dalawa.

"Tonight will be memorable, I swear," sabi niya bago humalik sa pisngi ko.

Nang makarating kami doon, sinabi niya lang ang pangalan niya sa receptionist, bago kami inihatid nito sa table na may apat na upuan.

Cigarettes and RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon