❝ Nakaramdam ako ng takot
Nang marinig ko ang mga salitang 'yon.
Hindi ba't masyadong matindi ang emosyong 'yon?
Paano kung nagkakamali ka?
Paano kung hindi pala ako?
At paano kung . . .
Hindi pa ganoon ang nararamdaman ko? ❞
"So, you're classmates," panimula ni Ma'am Arlene habang kumakain sa hapag-kainan, matapos alamin kung saan kami nagkakilala. "Caleb, why did you take STEM as your strand? What do you want to achieve in life?"
Para akong lalagutan ng hininga sa bawat segundo na lumilipas na nasa harap kami ng maraming pagkain. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kanina no'ng si Ramona lang ang kasama ko. Pero ngayong nasa harap at nasa gilid ko lang ang mga magulang niya, sobrang takot na ako.
Dagdag pa na nawala ako sa mood dahil sa pagsisinungaling niya.
"Uhh . . ."
What do I want to achieve in life? Bakit ba ganito palagi ang itinatanong sa akin lately? Ano bang mapapala ng mga tao kung malaman nila kung anong gusto ko?
"Sa ngayon, wala pa ho."
"But why?" kunot-noong tanong nito. "You'll be graduating in senior high school next year, after your work immersion, right? Bakit hindi mo pa alam ang gusto mong kuhanin?"
Napalunok ako bago pinilit na ngumiti. "M-Marami ho akong pinagpipilian."
Napatango-tango ito bago sumubo ng pasta. "Ayaw mo bang maging abogado? Your future will be stable once you land in a law firm that pays a good salary."
"Ma . . ." pagsaway ni Ramona sa mama niya.
"Why? I'm just giving him an idea of how to secure his future. Isa pa, once you become a lawyer, you'll be respected--as if you're way above them."
"Ma, stop." May pagbabanta na sa boses niya ngayon pero hindi ulit siya pinansin ng mama niya.
"Ano nga palang ginagawa ng parents mo?" dagdag na tanong nito. Hindi pa rin pinapansin ang anak.
Lumingon ako sa papa niya na tahimik lang na kumakain habang nakikinig sa usapan. Hindi nga rin ako tinatapunan ng tingin. For some reason, hindi ako takot sa papa ni Ramona. Pero yung takot na nararamdaman ko sa mama niya . . . apat na beses ng normal na takot na nararamdaman ng isang tao.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Wala naman akong ginagawang masama.
"Wala ho akong kasamang magulang ngayon."
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...