❝ Sa lahat ng bagay, naaalala kita.
Sa lahat ng lugar na puntahan ko,
Iniisip ko kung paano kapag kasama kita.
Walang minuto ng buhay ko na, sa isip ko, wala ka.
Lumipas man ang mga panahon, ikaw at ikaw pa rin--
Hanggang dulo, ikaw lang ang mamahalin. ❞
Nang matapos ang graduation ceremony, nauna nang umuwi sina Solari at Tita Esme sa bahay ko dahil may inihanda raw silang mga pagkain sa bahay nila kanina bago kami nagpunta sa school. Pinauna ko na rin sila dahil magsosoli pa ako ng toga. Isasabay na lang daw ako ni Mark pauwi para hindi na ako mag-commute.
"Yosi muna tayo," sabi ni Mark matapos kaming makapagsoli ng toga.
Tumango ako bilang tugon.
'Tang ina. Ang bilis ng panahon. Parang dati lang, si Ramona pa ang kasama ko magpunta ng smoking area. Parang dati lang, si Ramona ang kasama ko habang naninigarilyo ako. Ngayon, si Mark na.
Nang makarating kami sa smoking area, may ibang mga taong nandoon. Pumwesto lang kami sa gilid na medyo maluwag, saka kami kumuha ng sigarilyo. Magsisindi na sana ako ng yosi na isinubo ko nang may babaeng huminto sa harap ko.
Napalingon ako kay Mark at nakitang parang hindi niya rin naman kilala ang babae. Ibinalik ko rito ang tingin at nakitang nakaayos siya, katulad ng ibang mga babae na kasama naming g-um-raduate ngayon. Mahaba ang straight at brown niyang buhok pero bakas ang kulay black nito sa anit. Mapula ang mga labi niya at matangos ang ilong. Sa tingin ko, nasa 5'2" ang height niya.
Mas matangkad siya kay Ramona.
"H-Hello . . ." mahinang sabi ng babaeng nakayuko sa harap namin ngayon. "Uhh, c-congrats for being one of the high honors."
Ilang sandali pa, iniangat na niya ang ulo niya, dahilan para makita ko siya nang mabuti. Ngumiti siya sa akin na para bang ako talaga ang kinakausap niya, eh hindi ko naman siya kilala.
Itinuro ko ang sarili ko bago nagsalita. "Kilala mo ba ako?"
Umawang ang bibig niya bago nag-iwas ng tingin. "I-Ikaw 'yung lalaki sa . . . faculty. 'Yung kumausap last week kay Miss Nimfa."
Napatango ako kahit na hindi ko talaga matandaan ang mukha niya.
"Gusto ko lang sanang iabot sa 'yo 'to." Inilahad niya sa akin ang isang kraft box na may ribbon na kulay pula. "It's a simple gift I made f-for you. Sana . . . magustuhan mo."
"Yieee . . ." bulong ni Mark bago ako siniko. Hindi ko na siya pinansin pa.
"Uhm, bakit mo naman ako bibigyan niyan?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Cigarettes and Regrets
Teen Fiction🌻 Editor's Pick January 2022 ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Shortlist ✨ 🌻 Watty Awards 2023 Winner ✨ || first installment of "habit series" || Ramona Castillo kept on bugging Caleb Eusebio for a letter to which he couldn't give because for him, letters ar...